• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Purefoods, target magsolo sa liderato; 2 import, oobserbahan

Balita Online by Balita Online
May 14, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Laro ngayon: (Dipolog City)
5 pm Purefoods vs. Rain or Shine

Pagsosolo sa liderato ang pupuntiryahin ng defending champion Purefoods sa pagsagupa sa Rain or Shine sa isang road game sa Dipolog City sa pagpapatuloy ngayon ng elimination round ng 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Sa ganap na alas-5:00 ng hapon magtutuos ang Star Hotshots at Elasto Painters sa Dipolog Sports Complex and Events Center sa Zamboanga.

Ikalimang dikit na panalo ang hangad ng Purefoods upang humiwalay sa kasalukuyang pagsasalo nila ng Meralco habang makabalik naman sa winning track ang nais ng Rain or Shine matapos bumagsak sa ikalawang pagkabigo sa nakaraan nilang laban kontra sa Meralco na nagbaba sa kanila sa ikaapat na puwesto na hawak ang barahang 2-2 (panalo-talo).

Sa nasabing pagtatagpo, kapwa sasailalim sa matinding obserbasyon ang reinforcement ng dalawang koponan na sina Daniel Orton para sa Star Hotshots at Rick Jackson sa Elasto Painters.

Papatunayan ni Orton, na nagtala ng 16 puntos, 12 rebounds at tig-3 assists at blocks, ang kanyang debut game kontra sa NLEX kung siya ba ay karapat-dapat sa koponan kung saan ay pinalitan nito ang na-injured sa balikat na si Marqus Blakely.

Mas mabigat naman ang sitwasyon ni Jackson na nagtala ng average na 21.3 puntos, 16.5 rebounds at 3.8 assists sa unang apat na laro ng Rain or Shine dahil ito na ang laro kung saan ay dadaan siya sa kaukulang ‘evaluation’ kung mananatili pa siya bilang import ng koponan o papalitan na siya ng standby import nilang si Wayne Chism na hindi agad nakuha ng Elasto Painters dahil sa natagalan itong nakuha ang kanyang release papers sa ligang nilaruan sa Israel.

“It’s still an evaluation period, nobody is safe especially the import,” ani Rain Or Shine coach Yeng Guiao.

Para naman kay Orton, bagamat impresibo ang kanyang panimula, siya mismo ang nagsabi na marami pa siyang dapat na mapatunayan dahil nakakaisang laro pa lamang siya sa PBA.

Tags: balitadipolog cityElasto PainterspurefoodsRain or ShineStar Hotshots
Previous Post

Miyembro ng MILF at asawa, arestado sa P3-M shabu

Next Post

‘Bayani ang tunay kong pag-ibig’

Next Post

‘Bayani ang tunay kong pag-ibig’

Broom Broom Balita

  • Vintage-themed photos ni Liza Soberano, pinagpiyestahan
  • ‘Unbothered?’ James at Issa, naglambingan sa sofa
  • Vanessa at Janice, nakaladkad dahil sa tanong ng misis ni John Estrada
  • ‘Nagbabagang tsaa!’ Cryptic posts ng misis ni John Estrada, usap-usapan
  • Pabuya vs 2 suspek sa pagpatay sa hepe ng San Miguel, Bulacan police, ₱1.7M na!
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.