• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

CHAIN OF COMMAND

Balita Online by Balita Online
May 14, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

E CARTOON FEB 13, 2015 copy

Chain of command. Palagian nating naririnig ang terminong ito sa isinasagawang imbestigasyon sa pagkakapaslang sa 44 commando ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP). Ito ang pagkakaayos ng kapangyarihan sa isang organisasyon kung kanino ito nakatalaga at ang magpapatupad.

Sa isang korporasyon, ang line of authority ay dumadaloy mula top management hanggang sa division chiefs, sa department, section, at unit heads. Sa Armed Forces of the Philippines (AFP), dumadaloy ito mula sa Commander-in-Chief – ang Pangulo – pababa sa Secretary of National Defense hanggang sa AFP Chief of Staff at sa iba’t ibang combat units.

Sa PNP, dumadaloy ito mula sa Pangulo hanggang sa Secretary of Interior and Local Government hanggang sa PNP chief at sa iba’t ibang operating units. Sa kanyang testimonya sa Kamara noong Miyerkules, sinabi ng nagbitiw na PNP Director General Alan Purisima na ang “line of command” ay isang termino ng militar na hindi ipinipilit PNP, sapagkat isang sibilyang organisasyon ito. Maaaring hindi gamitin ng PNP ang terminong ito ngunit tiyak namang sinusunod nito ang isang line of authority na kapareho rin naman, iba lang ang pangalan.

Sa isinasagawang Mamasapano investigation, lumilitaw na ang line of authority na ito ay nilabag nang mag-utos (o nag-advice, na kanyang sinasabi) ang suspendidong PNP chief Purisima sa SAF chief, Director Getulio Napeñas, nang hindi dumaraan kay PNP Officer-in-Charge, Deputy Director General Leonardo Espina.

Dumadaloy pababa ang instructions sa isang chain of command, habang ang pananagutan ay dumadaloy pataas. Ang instructions para sa Mamasapano operation ay dapat na dumaloy pababa mula sa Pangulo patungo kay Espina na patungo kay Napeñas ngunit tinanggap ng huli ang buong responsibilidad sa pumalpak na operasyon, na nagpapawalang-sala sa Pangulo at Purisima. Kung tatanggapin man ito ng mga senador o ng publiko, ibang bagay na iyon.

Lumutang din ang chain of command kaugnay ng isa pang isyu – ang panukalang Bangsamoro Entity sa Mindanao. Sinabi ni Rep. Rufus Rodriquez, na ang House committee ang humahawak ng Bangsamoro bill, na kailangang magkaroon ng malinaw na chain of command – o police authority – mula sa Pangulo ng Pilipinas pababa sa PNP at sa Bangsamoro police.

Mahalaga na maging matibay ang pagkakatatag ng line of authority na ito. Ang Bangsamoro Region ay nananatiling bahagi ng Pilipinas at habang ang lokal na pamahalaan nito ay nasa ilalim ng national government, nasa ilalim ng PNP ang pulisya nito. Kailangang malinaw na nakatadhana ito sa Bangsamoro law, diin ni Congressman Rodriguez. Chain of command.

Tags: balitachain of commandDeputy Director General Leonardo Espinaphilippine national policeSpecial Action Force
Previous Post

Male TV host, iniiwasan ng mga kaibigan

Next Post

Revenue collection ng Makati, umabot sa P12.79B

Next Post

Revenue collection ng Makati, umabot sa P12.79B

Broom Broom Balita

  • Halos ₱180M jackpot sa Ultra Lotto draw, walang tumama
  • 7 lalawigan sa VisMin, positibo pa rin sa red tide
  • ₱2.8 milyong droga, nakumpiska sa Quezon
  • Michelle Dee, itinalaga bilang bagong tourism ambassador
  • Willie Revillame, magho-host na lang ng bolahan sa lotto?
Halos ₱180M jackpot sa Ultra Lotto draw, walang tumama

Halos ₱180M jackpot sa Ultra Lotto draw, walang tumama

December 2, 2023
7 lalawigan sa VisMin, positibo pa rin sa red tide

7 lalawigan sa VisMin, positibo pa rin sa red tide

December 1, 2023
₱2.8 milyong droga, nakumpiska sa Quezon

₱2.8 milyong droga, nakumpiska sa Quezon

December 1, 2023
Michelle Dee, itinalaga bilang bagong tourism ambassador

Michelle Dee, itinalaga bilang bagong tourism ambassador

December 1, 2023
Willie Revillame, magho-host na lang ng bolahan sa lotto?

Willie Revillame, magho-host na lang ng bolahan sa lotto?

December 1, 2023
Halos 1,000 preso, irerekomendang mabigyan ng executive clemency — DOJ

Halos 1,000 preso, irerekomendang mabigyan ng executive clemency — DOJ

December 1, 2023
Maja, Rambo, magkaka-baby na!

Maja, Rambo, magkaka-baby na!

December 1, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong civil engineers, kasado na

December 1, 2023
₱323M smuggled na sigarilyo, winasak sa Zamboanga

₱323M smuggled na sigarilyo, winasak sa Zamboanga

December 1, 2023
Bryanboy, wapakels sa hiwalayan ng KathNiel: ‘Di ako yayaman’

Bryanboy, wapakels sa hiwalayan ng KathNiel: ‘Di ako yayaman’

December 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.