• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

PANAWAGAN NG BAYAN

Balita Online by Balita Online
June 2, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

HABANG binibigkas ni Pope Francis ang panawagan sa mga pulitiko na manilbihan ng may integridad; hindi lamang ang pagbaka laban sa katiwalian, bagkus gawing prinsipyo ito at manindigan sa mataas na antas sa pagkalinga at paninilbihan sa maliliit at mahihirap, halatang ang mga taga-Palasyo kanya-kanyang yuko na gustong maghanap ng lunggang mapagtataguan; o kungyari tumitingin sa kanilang sapatos, ang iba, sa kisame hinuhugot ng kung ano na kunwari walang naririnig. Silang lahat, nag-iiwasan ng tingin. Tama nga naman! At baka pagnagkatitigan ay magkakakilanlan na ka-tropa pala – kabarilan, kaklase, ka-raket.

Nakalulungkot na talaga ang estado ng ating demokrasya. Hindi lang pamumulitika. Mismong ang ating demokrasya na. Halimbawa, noong 2004 kung ang isang matinong tao ay nais manilbihan bilang gobernador sa Cebu, ang gagastusin niya upang maging seryosong kandidato ay P100 milyon. Sa 2016 – ang pondo na kailangang ipunin ay P300 milyon. Saang lupalop at kaninong Hudas mo lilikumin ang ganitong halaga, kung ang tangi mong dasal ang manilbihan nang tapat? Paano pa kung tatakbo ka bilang Pangulo? Bilyones ang gastusin. Masasangla mo talaga hindi lang ang puri mo, pati kaluluwa naka buena mano na rin, sa ganitong halaga. Ang kapakanan ng taumbayan maisasantabi mo nga naman dahil maraming maniningil sa utang-na-loob at paluwagang iniabot sa kandidato. May isang may-ari ng kilalang mall na kahit sa kaninong presidente namamayagpag. Estilo niya ay hindi lang tawagan sa telepono ang kandidato. Hindi rin ang magpadala ng tao upang i-abot ang kanyang kontribusyon. Style niya personal na makipagkita sa kandidato. Mag-kape, kumain, kwento-kwento, tawanan, tapos sa huli iparada ang kahun-kahong donasyon na bilyun-bilyong piso sa harap ng pulitiko.

Kaya sa ganitong kalakaran, ang mga higanteng korporasyon ang yumayaman lalo. Sa kanila natetengga ang mga kontratang mas magpapalobo sa kanilang kita bilang kabayaran. Siyempre, may tongpats din ang pulitiko. Dahil sa PCOS pa, maaari na bilhin ang resulta sa mataas na halaga. Kaya naglilikom ang mga pulitiko ng salapi. Panawagan – “Bawal ang magnanakaw sa 2016!” Huwag iboto ang magnanakaw.

Tags: Basilica of the Holy Childcatholic churchcebucebu citymanilametro manilaphilippinespopepope john paul iiSinulog Festival
Previous Post

11 nasawi sa pagguho ng pader, binigyan ng tig-P65,000

Next Post

PISTON, nagbanta ng nationwide protest vs mandatory plate replacement

Next Post

PISTON, nagbanta ng nationwide protest vs mandatory plate replacement

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.