• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

TINALABAN KAYA?

Balita Online by Balita Online
June 3, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

WALANG alinlangan na pagkatapos ng pagbisita ni Pope Francis, mariing tumimo sa ating kamalayan ang kanyang mga pahayag at sermon. Wala akong maapuhap na pang-uri upang ilarawan ang tunay na damdamin na naghari sa puso ng sambayanan – Katoliko man o mga kasapi ng iba’t ibang sektor ng pananampalataya. Sapat nang bigyang-diin natin na ang kanyang pagbisita ay nakapangingilabot sapagkat tayo ay mistulang binisita ni Jesus Christ. Ang Papa ang vicar o kinatawan ng Diyos. Maaaring nangilabot din ang Papa sa maalab na pagtanggap sa kanya ng sambayanang Pilipino.

Makabuluhan at madamdamin ang mga mensahe ni Pope Francis. Sa pangkalahatan, ang mga ito ay nakatuon sa paggalang sa katarungang panlipunan, dignidad at sa pagtupad ng mga gawaing makatutulong sa mahihirap, lalo na sa mga biktima ng mga kalamidad na kagagawan ng tao at ng kalikasan. Hiniling niya na dinggin ang tinig ng mga maralita, inaapi at pinagsasamantalahan ng mga nakapangyayari.

Walang pinangimian si Pope Francis sa pagpapahayag ng kanyang pananaw, kahit na sino ang masagasaan. Halimbawa, lumalatay ang kanyang panawagan sa mismong mga alagad ng Simbahan; hindi sila dapat mamuhay nang marangya at laging yakapin ang pagiging payak o simple at pagpapakumbaba. Bagamat hindi tuwirang tinukoy, hindi malilimutan ang matinding pahayag kamakailan ng Papa hinggil sa 15 kasalanan ng Curia – ang administrative body na namamahala sa Vatican. Tinuligsa niya ang mga pagsasamantala at pagkukulang ng mga namumuno sa Curia – tulad marahil ng mga pagkukulang ng ilang alagad ng pananampalataya sa ating bansa.

Lumalatay rin ang panawagan ni Pope Francis tungkol sa paglipol o pag-iwas sa mga katiwalian at lahat ng uri ng alingasngas na sumisira sa lipunan. Bagamat wala ring tuwirang tinukoy ang Papa, ito ay nakatuon naman sa ating mga kababayan sa pribadong sektor at sa gobyerno na nahirati sa kasuklam-suklam na pagsasamantala, lalo na sa pagdambong ng yaman ng sambayanan. Kaakibat ito ng kanilang pagiging manhid sa pagdamay sa mga nagdarahop sa buhay.

Totoong tumitimo at lumalatay ang mga mensahe ng Papa; ang mga kinauukulang sektor ng sambayanan ay tinalaban naman kaya?

Tags: black nazarenecatholic churchFilipino peoplejesusmanilaphilippinespope
Previous Post

Murray, humataw sa Australian Open

Next Post

Pamamaril malapit sa bahay ni Biden

Next Post

Pamamaril malapit sa bahay ni Biden

Broom Broom Balita

  • Robert Bolick, balik-NorthPort na!
  • ‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin
  • Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya
  • DAR, namahagi ng lupa sa mga magsasaka sa bansa
  • DA, naglaan ng P326-M para mapalakas ang produksyon ng sibuyas sa bansa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.