• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

KARUNUNGANG MULA SA MGA MAGULANG

Balita Online by Balita Online
June 3, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ANO ang pinakamahalagang bagay na itinuro sa iyo ng iyong mga magulang simula nang magkaroon ka ng pang-unawa? Ang tumingin sa kanan at kaliwa bago ka tumawid sa kalye? Ang makipagkaibigan? Ang maglinis ng bahay, ng isda, ng pusit? Ang magkatay ng manok? Ang magbasa ng abakada? Ang gumalang sa nakatatanda? May nakita ka bang magandang halimbawa na kumintal sa iyong isipan na taglay mo magpahanggang ngayon mula sa iyong pagkabata? O natuto ka na lang nang mag-isa dahil sa nakikita mo sa iyong mga kaibigan at mga kaklase?

Ang lahat ng bagay na na itinuturo ng mga magulang sa anak ay mahalaga. Napakabait ng Diyos sa atin kung kaya binigyan Niya tayo ng mga magulang na handang magturo sa ating ng lahat ng kailangan nating malaman upang magsilbing ating gabay habang naglalakbay tayo sa mundong ito.

Ngunit may isang bagay na ipinagkatiwala ng Diyos sa mga magulang na ituro sa kanilang mga anak, isang bagay na nais ng Diyos na matutuhan ng mga anak kaysa ano pa mang bagay: ang matutong magtiwala sa Diyos.

Nais ng Diyos na turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magtiwala sa Diyos kaysa kahit kanino. Hindi maaaring puwersahin ng mga magulang ang kanilang mga anak na magtiwala sa Diyos, ngunit maaari nilang ituro sa kanila ang tungkol doon. Minsan, ang pagkatuto ay nagmumula sa direktang pagpapanuto – tinatalakay sa mga anak ang iba’t ibang aspeto ng ating pananampalataya. At mahalaga rin na pag-aralan ang Mabuting Aklat – ang mga Salita ng Diyos – at ang kahulugan ng pagtitiwala sa Diyos. Ngunit ang pinakamainam na paraan ng pagtuturo sa mga anak tungkol sa pagtitiwala sa Diyos ay sa pamamagitan ng halimbawa.

Pinakamainam na paraan para sa mga magulang ang magturo sa mga anak sa pamamagitan ng pagtitiwala nila mismo sa Diyos at sa pagtanggap sa halip na tanggihan ang mga oportunidad na magtiwala sa Diyos sa makabagong paraan.

Tags: associated pressFilipino peoplemalacanang palacemanila
Previous Post

Alvarez, isasabak ng GBP sa Mayo 2

Next Post

‘Edsa Woolworth,’ maganda at makabuluhan ang kuwento

Next Post

‘Edsa Woolworth,’ maganda at makabuluhan ang kuwento

Broom Broom Balita

  • NLEX Road Warriors, sumuko sa Ginebra
  • Robredo, mga tagasuporta, inalala ang isang taon nang 2022 pres’l campaign kickoff
  • Babae sa Cebu City, arestado dahil sa pagbebenta ng hubad na larawan ng sarili, mga kapatid online
  • DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants
  • ‘Di na raw makukulong sa banyo!’ Lai Austria, ‘inayos’ caption sa post kasama si Dingdong
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.