• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

2 pulis nasa ‘hot water’ dahil sa selfie

Balita Online by Balita Online
May 26, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinagpapaliwanag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang pulis na naaktuhang nagseselfie habang dumaraan ang convoy ni Pope Francis sa kanilang puwesto, ayon sa isang opisyal.

Sinabi ni Deputy Director General Leonardo Espina, officer-in-charge ng PNP, na umiiral ang utos niya sa mga pulis na nagbibigay-seguridad sa Papa na tumutok sa kanilang trabaho at kalimutan muna ang pansariling interes habang hindi nakaaalis ng Pilipinas ang lider ng Simbahang Katoliko.

“We have summoned or admonished a policeman or two to correct these peculiarities,” pahayag ni Espina.

Bagamat mabibilang sa daliri ang mga pulis na hindi nakapagpigil kumuha ng selfie o tumalikod sa mga sumasalubong sa Papa na dapat nilang bantayan, sinabi ni Espina na marami pa rin sa 25,000 pulis na inatasang magbantay ang sumunod sa nasabing direktiba.

Nabuking ang pagse-selfie ng ilang pulis habang dumaraan ang convoy ni Pope Francis matapos silang maaktuhan ng mga netizen at ipinaskil ang kanilang mga litrato sa mga social networking site.

Batay sa feedback, kuntento naman si Espina na halos ang buong puwersa ng PNP ay nagpamalas ng mataas na antas ng propesyunalismo sa pagbibigayseguridad sa Papa sa limang araw na pagbisita nito sa Pilipinas.

“If there were cops who still took selfies while on duty, that is very minimal. A big majority of the others did not do that,” pahayag ni Espina.

Tiniyak naman ni Espina na hindi niya palalagpasin ang pagsuway ng dalawang pulis na kumuha ng selfie habang nagbabantay kay Pope Francis, upang magsilbi itong aral sa iba pang pulis. – Aaron Recuenco

Tags: DAHILNASApulisselfie
Previous Post

PVF, magrereklamo sa IOC-CAS

Next Post

KARISMA NI POPE FRANCIS

Next Post

KARISMA NI POPE FRANCIS

Broom Broom Balita

  • Halos ₱15.9M jackpot, napanalunan sa 6/49 Super Lotto draw
  • Kerwin Espinosa, inabsuwelto sa drug trafficking case
  • Sulfur dioxide exposure, ash fall mapanganib sa kalusugan — DOH
  • Canada, pinili ang ‘Pinas na maging lokasyon ng bago nitong Indo-Pacific agri office
  • ‘Chedeng’ lalabas na ng bansa sa Lunes
Sino kaya mananalo? Jackpot sa lotto, posibleng pumalo sa ₱320M

Halos ₱15.9M jackpot, napanalunan sa 6/49 Super Lotto draw

June 9, 2023
Kerwin Espinosa, inabsuwelto sa drug trafficking case

Kerwin Espinosa, inabsuwelto sa drug trafficking case

June 9, 2023
Sulfur dioxide exposure, ash fall mapanganib sa kalusugan — DOH

Sulfur dioxide exposure, ash fall mapanganib sa kalusugan — DOH

June 9, 2023
Canada, pinili ang ‘Pinas na maging lokasyon ng bago nitong Indo-Pacific agri office

Canada, pinili ang ‘Pinas na maging lokasyon ng bago nitong Indo-Pacific agri office

June 8, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ lalabas na ng bansa sa Lunes

June 8, 2023
200 pasahero ng nasunog na tren sa Austria, nailikas sa tunnel

200 pasahero ng nasunog na tren sa Austria, nailikas sa tunnel

June 8, 2023

Hontiveros, nadismaya sa pagbasura sa bail petition ni de Lima: ‘Stop this travesty of justice now’

June 8, 2023
Driver’s license backlog, halos 700,000 na!

Driver’s license backlog, halos 700,000 na!

June 8, 2023
Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

20 indibidwal, kumalas ng suporta sa CPP-NPA

June 8, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

19-anyos na bebot, pinagbabaril ng live-in partner, patay

June 8, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.