• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

MGA MUSLIM NATATANAW ANG KAPAYAPAAN SA PAPAL VISIT

Balita Online by Balita Online
May 28, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

WALA naman sa kanyang agenda, ngunit ang pag-abot ni Pope Francis sa iba pang pananampalataya, partikular na ang Islam, ay masyadong kilala kung kaya umaasa ang mga Muslim leader sa Pilipinas na bibigyan niya ng tinig ang mga pagsisikap tungo sa kapayapaan sa Mindanao.

Ang dalawang respetadong Muslim leader – sina Dean Julkipli Wadi ng University of the Philippines Institute of Islamic Studies at Chief Supt. Ebra Moxsir ng Philippine National Police Chaplain Service – ay kasama sa mga leader ng iba pang religious groups na inimbita na makipagkita kay Pope Francis sa University of Santo Tomas ngayon. Maraming iba pang Muslim leader, partikular na si Mohagher Iqbal, chaiman ng peace panel ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang nagnanais ding makipagkita sa Papa ngunit batid niyang mahigpit ang schedule nito kaya hindi mapahihintulutan. Gayunman, hinihiling nila na magsalita ang Papa para sa kapayapaan sa Mindanao.

Masasabi na sa loob ng maraming siglo ng kolonisasyon ng Kastila na sinundan ng mga Amerikano, nabigong isama ang mga Moro sa sentro ng pamamahala sa Maynila. Nagkaroon ng mga pagsiklab ng karahasan – minsan ng nag-iisang huramentado at sa ibang pagkakataon ang mga organisadong grupo tulad ng Abu Sayyaf, at sa huling mga taon ang mga laganap na organisasyon tulad ng Moro National Liberation Front (MNLF) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) – na suportado ng MNLF – ay isang eksperimento ng autonomous regional government. Gayong nabigo, nilalayon ngayon itong palitan ng Bangsamoro entity – na suportado ng MILF. Ang Bangsamoro Basic Law ay nasa Kongreso na kung saan kinakaharap nito ang maraming oposisyon dahil sa mga isyung konstitusyonal.

Itinuturing ng mga Muslim sa bansa na isang biyaya ang pagbisita ngayon ni Pope Francis sa Pilipinas, sapagkat siya ang pinuno ng mahigit 1.3 bilyong Katoliko, na umaabot sa Islam at iba pang pananampalataya. Kamakailan lang, binisita niya ang Istanbul, Turkey kung saan nanalangin siyang kasama si Grand Mufti Rahmi Yaran sa Blue Mosque sa Istanbul. Sa bansang ito na may 80 milyong Katoliko, ang kanyang mga salita para sa kapayapaan ay muling nakapagbibigay ng katiyakan sa bansa at sa mga leader nito.

Ang atin ay isang bansa na may maraming ethnic group at mga relihiyon na madalas na magkakasalungat sa isa’t isa, ngunit walang ibang mas mapaminsala kaysa deka-dekadang karahasan sa Mindanao. Nanawagan na ang ating mga kapatid na Muslim kay Pope Francis at hiniling ang kanyang suporta at pagbabasbas, batid ang kanyang pagsisikap para sa kapayapaan sa iba pang bahagi ng mundo. Umaasa tayo na sa kanya mismong presensiya sa ating bansa kahit paano ay maghahatid ng kapayapaan na tiyak sa mga taong may mabuting kalooban.

Tags: autonomous region in muslim mindanaomoro islamic liberation frontmoro national liberation frontPope FrancisPope Francis sa Pilipinas
Previous Post

Voter’s registration at validation, tuloy sa NCR

Next Post

DongYan wedding, mapapanood na sa GMA-7

Next Post

DongYan wedding, mapapanood na sa GMA-7

Broom Broom Balita

  • Willie Revillame, binanatan ang netizens na natutuwa sa nangyayari sa ALLTV
  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.