• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

DongYan wedding, mapapanood na sa GMA-7

Balita Online by Balita Online
May 28, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

(Dingdong Dantes - Marian Rivera Wedding from Nice print)

SAKSIHAN ang pinakaabangang kasalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa two-part wedding special ng paboritong couple ng mga Pilipino handog ng GMA Network na mapapanood sa Enero 17 at 24, 8:15 PM pagkatapos ng Magpakailanman.

Mapapanood sa two-part special ang pag-iisang dibdib nina Dingdong at Marian na nabuo at natupad dahil sa pagmamahalan nilang dalawa at sa pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Ang kanilang love story ay pagpapatunay ng kanilang wagas na pag-ibig sa isa’t isa at ang kanilang pangako na magmamahalan habang buhay. Ito ay natupad nang basbasan ng Panginoon ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng Sakramento ng Kasal na ginanap noong Disyembre 30, 2014.

Sa unang bahagi ng special na pinamagatang Dingdong and Marian Wedding Special The Ceremony sa Enero 17, ipapakita ang seremonya ng kasal sa Immaculate Conception Cathedral, ang wedding attire nila Dingdong at Marian, pati na rin ang kanilang unang halik bilang mag-asawa.

Ipapasilip din ang mga paghahanda at nakatutuwang mga eksena bago ang kasal at ang mga mensahe ng kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.

Bibigyan din ang mga manonood ng pagkakataon na makilala ang mga taong nasa likod ng tagumpay ni Dingdong na mabigyan at matupad ang dream wedding ni Marian kabilang na ang naging live TV proposal niya kay Marian, ang kanilang prenuptial shoot at ang pagkikipag-meeting ni Marian sa kanyang gown designer sa Dubai at ang pagsasalo kasama ang kanilang principal sponsors.

Mapapanood din ang dramatic entrance ni Dingdong sa simbahan at ang pinakahintay at pinakaabangang paglalakad ni Marian patungo sa altar.

Sa second part sa Enero 24 naman mapapanood ang special na pinamagatangDingdong and Marian Wedding Special THE CELEBRATION na kuha sa masayang selebrasyon at wedding reception sa SM Mall of Asia Arena pagkatapos ng church ceremony.

Ipapakita ang never-before released na pre-wedding interview nina Dingdong at Marian, sa mga kaibigan, at sa celebrity guests, pati na rin ang mga detalye mula sa kanilang creative team na namahala sa reception.

Masasaksihan din ang paglalahad ng fairytale love story ng mag-asawa mula sa kanilang malalapit na kaibigan at pamilya kabilang ang maids of honor ni Marian na sina Roxanne Barcelo, Ana Feleo at Joy Santos; at mula sa groomsmen ni Dingdong na sina Marvin Lanuza, Harvey Camposano at Angelo Dantes pati na rin ang mensahe ng ama ni Marian na si Francisco Javier Alonso Gracia para sa anak.

Masisilayan din ang 3D-mapped wedding cake na nagpapakita ng iba’t ibang prenuptial videos ng mag-asawa sa Pampanga at Dubai at ang espesyal na short film na ginawa ng isa sa ninang nina Dingdong at Marian, si Bb. Joyce Bernal. Ipapakita rin ang surprise gifts nina Dingdong at Marian sa isa’t isa.

Ang naging hosts ng wedding reception ay sina Gabby Eigenmann, Bettina Carlos, KC Montero, Tim Yap, Janno Gibbs at Ogie Alcasid. Nag-perform naman sina Jaya, Christian Bautista, Noel Cabangon, Julie Anne San Jose, Gloc-9, Marc Abaya, Jay Durias at Regine Velasquez-Alcasid.

Huwag palampasin ang pambihirang TV event, two-part wedding special nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Enero 17 at 24 sa GMA.

Tags: christian bautistadingdong dantesimmaculate conceptionjanno gibbsmarian riveraogie alcasid
Previous Post

MGA MUSLIM NATATANAW ANG KAPAYAPAAN SA PAPAL VISIT

Next Post

Ateneo, ‘di nakapalag sa FEU

Next Post

Ateneo, ‘di nakapalag sa FEU

Broom Broom Balita

  • Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, dating may kasong robbery — PNP chief
  • Gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, natagpuan sa sugar mill ni ex-Gov. Teves
  • Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Pasok sa gov’t offices sa Abril 5, suspendido na! — Malacañang
  • Iza Calzado: ‘I am a Mother! An imperfectly perfect Mother to my precious child’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.