• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

PAGTIYAK SA MAAYOS, MAPAYAPANG PAPAL VISIT

Balita Online by Balita Online
May 28, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MASUGID na pinakahihintay ng Katolikong Pilipinas ang unang apostolikong pagbisita sa bansa ng Kanyang Kabunyian, Pope Francis, sa Enero 15-19. Ito ang ikaapat na pagkakataon na ang Pilipinas, na muog ng Katolisismo sa Asia, na maging punong-abala ng isang papal visit: Pope Paul VI noong 1970, at St. John Paul II noong 1981 at 1995 na para sa 10th World Youth Day.

Magdiriwang si Pope Francis ng isang misa sa Enero 18, pista ng Sto. Niño sa Rizal Park. Sa preparasyon ng pagbisita, na may temang “Mercy and Compassion” ay tiniyak na ligtas ang Papa saan man siya pumaroon, at maipamamalas ng taumbayan ang kanilang mataimtim na pananampalataya.

Gaya sa Rome, ang Papa, na mahiliging lumapit sa madla, ay lilibot sa Rizal Park upang bendisyunan ang mga mananampalataya bago ang pagsisimula ng misa, kung saan 200 obispo at 2,500 pari ang kasama niyang magdiriwang. May 20 communion chapel, 5,000 communion distributor, at 5,000 communion usher; na mga nakapayong na puti na may papal seal at logo para sa pagkakakilanlan, na gagabay sa mga mananampalataya.

Para sa mga nasa malalayong bahagi ng Rizal Park, may 18 higanteng LED screen ang nakatayo sa Roxas Boulevard at Anda Circle para sa pakikiisa sa misa ng madla na magtatapos sa pag-awit ng “Tell the World of His Love” na may sinding kandila bilang pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng 10th World Youth Day sa Pilipinas.

Magkatuwang ang gobyerno at ang Simbahan sa pagkakaroon ng hindi malilimutang papal visit. Si Pangulong Benigno S. Aquino III ay inaasahang sasalubungin ang Papa sa pagdating nito sa Villamor Air Base. Sina Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas ay mga miyembro ng 32-man papal entourage.

Ang militar at ang pulisya, sa pagkikipagtulungan sa Vatican security at Swiss Guards ay nakahandang magkaloob ng seguridad. Magde-deploy naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng malaking operasyon na kinabibilangan ng may 7,000 tropa bilang backup sa mga lugar para sa mga aktibidad – Metro Manila (Malacañang, Manila Cathedral, Mall of Asia, University of Santo Tomas, at Rizal Park) at sa Leyte (Tacloban at Palo). Maaaring ideklara ang mga lugar na iyon bilang no-fly zones sa mga araw ng papal visit.

Ang militar ang magkakaloob ng air cover para kay Pope Francis upang mamonitor ito mula sa himpapawid. Mahigit 5,000 reservist ang tutulong sa seguridad. Nakahanda ang AFP para sa “people surge”, isang hindi kontroladong crowd situation. Babantayan naman ng Pinoy at Vatican security ang Apostolic Nunciature sa Taft Avenue kung saan titigil ang Papa. Magpapadala naman ang Department of Health ng 120 personnel, 20 first aid station, at 20 ambulansiya.

Tags: ang pilipinaspapal visitPope Francisrizal parkworld youth day
Previous Post

PNoy, Roxas nag-inspeksiyon sa daraanan ni Pope

Next Post

Ukraine bus attack, 11 patay

Next Post

Ukraine bus attack, 11 patay

Broom Broom Balita

  • Rehabilitasyon ng mga nasirang eskwelahan dulot ng lindol sa Davao de Oro, aabot sa ₱7-M
  • ‘Maria Clara at Ibarra’ star David Licauco, pinangarap na makapag-asawa sa edad na 27
  • ‘May magrereklamo ba sa concert?’ Netizens, takang-taka na guest si Raffy Tulfo sa ‘Pinakamakinang’ concert
  • Ogie Diaz, papasukin na rin ang podcast: ‘Support n’yo ko ha?’
  • Maritime Group, kumana! ₱29 milyong smuggled na langis, naharang sa Tawi-Tawi
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.