• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

ELEKSIYON, GAWING TUNAY NA PASYA NG SAMBAYANAN

Balita Online by Balita Online
May 26, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ANG mga limitasyon sa mga gastusin sa eleksiyon ay nakatadhana sa Republic Act 7166, na pinairal noong 1991, upang maiwasang lunurin ng mayayamang kandidato ang mahihirap nilang katunggali gamit ang kanilang walang hangganang resources. Ang mga kandidato para sa presidential at vice-presidential ay limitado sa paggasta ng P10 lamang kada nakalistang botante, P3 ang iba pang kandidato. Ang isang political party ay limitado sa paggasta ng P5 kada botante.

Sa loob ng maraming taon, nagawang ikutan ng mga kandidato ang mga limitasyong ito, minsan sa pagkakaroon ng mga independent organization na gumagastos ng sarili nilang pondo para maglagay ng ads sa media. Noong nakaraang taon, gayunman, ang halal na gobernador ng Laguna, si E. R. Ejercito, ay natanggal sa kanyang puwesto dahil sa paggastos ng mahigit P23 milyon gayong maximum na P4.5 milyon ang pinahihintulutan ng batas para sa kanyang nasasakupan.

Sapagkat papalapit na ang national at local elections sa Mayo 2016, isang bill ang inihain sa Kamara de Representantes upang amiyendahan ang RA 7166 upang gawing mas makatotohanan ang campaign spending limits. Dahil ang halaga ng piso noong 1991, nang ipatupad ang RA 7166, ay P3.41 na ang katumbas ngayon. Iminungkahi na i-multiply sa 3.41 ang mga limitasyon sa pinahintutulutang gastusin. Kaya ang presidential at vice-presidential candidates ay maaaring gumastos ng hanggang P34.10 kada botante, samantalang hanggang P10.23 ang maaaring gastusin ng iba pang kandidato. Ang isang political party ay maaaring gumastos ng hanggang P17.05 kada botante.

Ang isa pang bagay na dapat maresolba bago ang halalan sa 2016 ay ang isyu ng political dynasties. Ipinagbabawal ng Konstitusyon ang political dynasties “as may be defined by law” ngunit magpahanggang ngayon, matapos ang 28 taon mula nang ipairal ang Konstitusyon noong 1987, ang kinakailangang batas ay hindi pa naipapasa. Inaprubahan na ng Senado ang isang bill na nagbabawal sa asawa ng isang halal na opisyal o sa second degree na kamag-anak (mga lolo at lola, magulang, kapatid, anak, at apo) na kumandidatong kasabay ng nanunungkulan. Gayunman, ang bersiyon ng Kamara ay nananatiling walang aksiyon.

Marahil ang pinaka-kritikal na isyu na kailangang mapagpasiyahan ay kung tutularan ang automated elections noong 2010 at 2013 – o magpapatupad ng ilang pagbabago upang magkaroon ng mas maigting na transparency. Nanawagan ang Philippine Constitution Association at iba pang organisasyon para sa manu-manong pagbibilang ng mga balota sa mga presinto upang masaksihan ng taumbayan kung paano isinagawa ang pagbibilang at kasunod ang automated transmission ng mga resulta sa provincial at pagkatapos, sa national center.

Habang papalapit ang halalan, maaaring mas marami pang isyu ang lulutang sa Kongreso pati na rin sa mga public forum, ngunit kapag naaksiyunan ang tatlong ito lamang – ang election spending, political dynasties, at transparency, magtatagumpay tayo sa pagkakaroon ng isang eleksiyon na sasalamin sa tunay na pasya ng sambayanan.

Tags: Commission on Elections (Philippines)indonesiaislammanilaSupreme Court of the United States
Previous Post

Walang ebidensiya vs Alcala sa garlic scam—De Lima

Next Post

Netizens kay Tolentino: ‘Kaw kaya magsuot ng diaper

Next Post

Netizens kay Tolentino: ‘Kaw kaya magsuot ng diaper

Broom Broom Balita

  • Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando
  • 2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga
  • ‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
  • ‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

September 22, 2023
Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

September 22, 2023
Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

September 22, 2023
Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

September 22, 2023
BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

September 22, 2023
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

Pasigueño wagi sa Lotto 6/42

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.