• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Total ban sa paputok, pag-aaralan ng Malacañang

Balita Online by Balita Online
May 27, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Handa ang Malacañang na pag-aralan ang panukalang total ban sa mga delikado at ipinagbabawal na paputok sa layuning mabawasan ang bilang ng mga nasasaktan sa paputok tuwing sinasalubong ang Bagong Taon.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na hinihintay pa nila ang rekomendasyon ng Department of Health (DoH) kaugnay ng usapin sa kaligtasan kontra paputok at masusing pag-aaralan ang nasabing panukala.

“Kailangang pag-aralan ‘yung panukala dahil meron namang umiiral na batas na nagre-regulate sa paggamit ng mga paputok,” sinabi ni Coloma nang kapanayamin ng media.

“Sinasabi lang natin maraming factors ang sangkot sa usaping ‘yan. Madaling sabihin ‘yung ‘total ban’ o ‘yung titigil na pero sa tunay na paggawa ay kinakailangan pa rin ‘yung sama-samang pagkilos at ‘yung disiplina ng mga mamamayan para sumunod sa batas,” dagdag niya.

Makaraang daan-daang katao ang masaktan sa paputok sa selebrasyon ng Bagong Taon nitong Miyerkules at Huwebes, nagpahayag ng suporta si acting Health Secretary Janette Garin sa panukalang ipagbawal ang lahat ng uri ng paputok at sa halip ay magtalaga na lang ng common fireworks display sa bansa.

Sinabi pa ni Coloma na hihintayin ng Palasyo ang desisyon ng Kongreso sa mga pagsisikap na ipagbawal ang paggamit ng paputok sa mga pampublikong lugar, idinagdag na makikipagtulungan sila sa mga mambabatas sa pagbuo ng isang epektibo at katanggap-tanggap na batas.

“Sinasabi lang natin sa ngayon ay kinakailangan ang pag-uugnayan at ang masusing pag-aaral para maiwasan na o mapigil na ‘yung mga bilang na nasasaktan at napipinsala dahil sa mga bawal na paputok,” sabi ni Coloma. – Genalyn D. Kabiling

Tags: malacanangpag-aaralanpaputoktotal
Previous Post

Kris, masaya at kuntento na sa pagiging ina

Next Post

Dingdong Dantes, uubra bang Senado agad ang puntirya?

Next Post

Dingdong Dantes, uubra bang Senado agad ang puntirya?

Broom Broom Balita

  • ‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
  • ‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union
  • Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog
  • Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

September 22, 2023
Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

September 22, 2023
Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

September 22, 2023
Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

September 22, 2023
BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

September 22, 2023
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

Pasigueño wagi sa Lotto 6/42

September 22, 2023
Zero visibility na! 5 pang lugar sa Batangas, apektado ng smog

Zero visibility na! 5 pang lugar sa Batangas, apektado ng smog

September 22, 2023
Smog sa Metro Manila, ‘walang kaugnayan’ sa aktibidad ng Bulkang Taal

Smog sa Metro Manila, ‘walang kaugnayan’ sa aktibidad ng Bulkang Taal

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.