• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Vilma at Dingdong

Balita Online by Balita Online
May 27, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

TINIYAK ng isang congressman na kaalyado ni Pres. Noynoy Aquino ang pagkandidato nina Vilma Santos-Recto at Dingdong Dantes sa ilalim ng partido ng administrasyon.

Vilma-Santos_JIMI-208x300Ayon sa aming source na tumangging magpabanggit ng pangalan, kasama raw ang dalawa sa line-up ng senatoriables ng naturang partido.

Ang pangalan ng bagong kasal na si Dingdong Dantes ay kasama na raw sa short list ng senatoriables ng partido ganoon din ang pangalan ng Star for All Seasons, pero masusi pa rin daw na pinag-aaralan ng partido kung magiging manok nila ang kasalukuyang gobernadora ng Batangas sa pagka-bise presidente.

Nasa naturang listahan rin si Sen. Ralph Recto na namamayagpag sa survey among senatoriables.

Pero kung si Dingdong ay wala nang problema ang political party ng administrasyon, kinukumbinsi pa rin daw nila hanggang sa ngayon si Gov. Vi.

Dagdag pa ng source namin, sa mga taga-showbiz ay sina Ate Vi at Dingdong lang ang napasama sa listahan ng partido bilang senatoriables.

Ayon pa sa kausap namin, kumpara sa mga nagdaang eleksiyon ay mukhang mabibilang na lang ang mga tatakbo galing sa showbiz.

Matunog namang tatakbo uli bilang gobernor ng Laguna ang bida ng Muslim Magnum .357 na si Gov. ER Ejercito.

For sure ay tatakbo para mayor pa rin si Quezon City si Mayor Herbert Bautista at pagiging congressman pa rin ang pupuntiryahinn ni Cong. Alfred Vargas. Tiyak ding konsehal pa rin sina Precious Hipolito-Castelo na asawa ni Cong. Winne Castelo ng District 2.

Ganoon din naman ang mga konsehal na sina Roderick Paulate at Anjo Yllana. Tiniyak ng kausap namin na babalik para konsehal ng Kyusi si Aiko Melendez.

Sa Manila naman ay tiniyak na ni Vice Mayor Isko Moreno na ang pagiging mayor ng siyudad ang pupuntiryahin niya dahil nagpahayag na si Erap na hindi na iiwanan na niya ang posisyon.

Tags: dingdong dantesvilma santos recto
Previous Post

Kris, bongga ang love life ngayong 2015

Next Post

Pari, nanawagan ng tulong para sa mga nasunugan

Next Post

Pari, nanawagan ng tulong para sa mga nasunugan

Broom Broom Balita

  • Karla Estrada, pupuwesto nga ba sa Department of Tourism?
  • Bagyong ‘Caloy’ lalabas na ng PAR–7 lugar, uulanin pa rin
  • Netizen, na-starstruck kay VP Sara; bumili sa convenience store na naka-gown at naka-tsinelas
  • Senador Bong Go, binigyang-pugay si PRRD: ‘Higit pa sa salitang salamat!’
  • Outgoing VP Leni, ibinida ang ‘unqualified opinion’ na muling nakuha ng OVP sa COA
Karla Estrada, pupuwesto nga ba sa Department of Tourism?

Karla Estrada, pupuwesto nga ba sa Department of Tourism?

June 29, 2022
Bagyong ‘Caloy’ lalabas na ng PAR–7 lugar, uulanin pa rin

Bagyong ‘Caloy’ lalabas na ng PAR–7 lugar, uulanin pa rin

June 29, 2022
Netizen, na-starstruck kay VP Sara; bumili sa convenience store na naka-gown at naka-tsinelas

Netizen, na-starstruck kay VP Sara; bumili sa convenience store na naka-gown at naka-tsinelas

June 29, 2022
Senador Bong Go, binigyang-pugay si PRRD: ‘Higit pa sa salitang salamat!’

Senador Bong Go, binigyang-pugay si PRRD: ‘Higit pa sa salitang salamat!’

June 29, 2022
Outgoing VP Leni, ibinida ang ‘unqualified opinion’ na muling nakuha ng OVP sa COA

Outgoing VP Leni, ibinida ang ‘unqualified opinion’ na muling nakuha ng OVP sa COA

June 29, 2022
Janno Gibbs, binarag ang bashers matapos mag-react sa IG post ni Dennis Padilla

Janno Gibbs, binarag ang bashers matapos mag-react sa IG post ni Dennis Padilla

June 29, 2022
Pagtaas ng Covid-19 cases sa Metro Manila, ‘di nakababahala –OCTA Research

Pagtaas ng Covid-19 cases sa Metro Manila, ‘di nakababahala –OCTA Research

June 29, 2022
P1.5B pondo ng Malabon gov’t, iiwan ni Oreta sa susunod na admin

P1.5B pondo ng Malabon gov’t, iiwan ni Oreta sa susunod na admin

June 29, 2022
Paggamit sa ‘gender-fair’ language, nakatakdang gawing panuntunan ng Korte Suprema

2 DQ cases kontra BBM, ibinasura ng Korte Suprema

June 28, 2022
Lalaking nakuhanan ng P55-M halaga ng shabu sa Caloocan, timbog!

9 drug suspect, nasakote kasunod ng isang araw na operasyon sa tatlong lalawigan sa Central Luzon

June 28, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.