• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Tropang Texters, target magsolo sa ikatlong puwesto; Star Hotshots, hahabol

Balita Online by Balita Online
June 2, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Meralco VS. Kia
7 p.m. Talk ‘N Text VS. Purefoods

Pagtibayin ang kanilang kapit sa ikatlong puwesto na gagarantiya ng bentaheng twice-to-beat papasok sa quarterfinal round ang kapwa target ng Talk ‘N Text at defending champion Purefoods Star sa kanilang pagtutuos ngayon sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Magkasunod sa ikatlo at ikaapat na puwesto sa kasalukuyan ang dalawang koponan, angTropang Texters na solong pumangatlo na hawak ang barahang 6-3 at ang Star Hotshots na nasa ikaapat na puwesto na taglay ang barahang 5-4 kapantay ang Barangay Ginebra na mayroon namang laro habang isinasara ang pahinang ito kontra sa Alaska sa MOA Arena.

Tiyak na maghahabol ang tropa ni coach Tim Cone, ang reigning grandslam champion, na makabalik sa winner’s circle makaraan nilang matamo ang kabiguan sa nakaraan nilang laban sa kamay ng Rain or Shine noong nakaraang Linggo sa iskor na 74-83.

Para naman sa koponan ni coach Jong Uichico, hangad nilang mapalawig pa ang nasimulang tatlong dikit na panalo, ang pinakahuli ay kontra sa Blackwater Sports noong nakaraang Saba do, 90-80, sa Binan, Laguna.

Una rito, haharapin naman ng undermmaned team ng Meraleo ang Kia Sorento na kinakailangan namang mawalis ang huling dalawang laro, kabilang ang labang ito sa Bolts para makahabol sa huling slot sa quarterfinal round.

Taglay ang barahang 1-8, kailangan ng Sorento na talunin ang Bolts at ang huling katunggaling NLEX at umasang hindi na makaapat na panalo ang sinusundang Road Warriors at Barako Bull na kapwa may kartadang 3-6, upang makahabol sa huling biyahe sa susunod na round.

Sa panig naman ng Bolts, maghahabol din ang mga ito upang makabangon mula sa natamong dalawang dikit na kabiguan, ang pinakahuli ay sa kamay ng San Miguel Beer noong Nobyembre 28,77-88, para makisalo sa Globalport (5-5) sa ikalimang puwesto.

May duda kung makalalaro ang top gun ng Bolts at Gilas standout na si Gary David na dinala sa ospital noong nakaraang Lunes ng gabi dahil sa pananakit ng kanyang kasu-kasuhan, mataas na lagnat at pag-ubo.

Tags: kiameralcopbapurefoodstalk n text
Previous Post

SC, makasasagot sa isyu ng EDCA

Next Post

Hulascope – December 3, 2014

Next Post

Hulascope - December 3, 2014

Broom Broom Balita

  • DepEd, walang planong ibalik ang summer break sa Abril at Mayo
  • ₱2.6M halaga ng cocaine, nasabat; 2 tulak ng droga, arestado
  • Mag-ex na Heart at Echo, muling nagkita; Mr. M, nakipag-reunion sa mga alaga
  • PNP chief, suportado pagsibak sa ex-QCPD-CIDU chief dahil sa hit-and-run case
  • Lovi Poe, feeling patay sa birthday tarpaulin
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.