• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Show ni Willie sa GMA-7, ‘di agad-agad mangyayari

Balita Online by Balita Online
June 5, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

willie revillame

KINUMPIRMA ng ginawaran ng Lifetime Achievement Excellence in Broadcasting na si Mike Enriquez na napag-usapan nila sa isang pagtitipon nilang magkakaiba ang posibilidad na mabigyan ng isang show si Willie Revillame sa GMA-7.

Pero ayon sa batikang newscaster, na isa sa pinakamaagang dumating sa Solaire Hotel para sa 28th PMPC Star Awards for Movies, bahagi lang iyon ng kuwentuhan ng magkakaibigan at hindi raw iyon garantiya na mabibigyan agad-agad ng show si Willie.

Dagdag pa ni Sir Mike, ang naturang topic ay basta na lang naisingit sa usapan nila. Hindi naman daw kasi porke isa sa masasabing pader ng network si Mike Enriquez ay maiimpluwensiyahan niya ang namumuno ng istasyon.

“May program committee na namamahala diyan, andiyan ang masisipag na mga taong may karapatang magdesisyon sa bagay na ‘yan. Hindi naman ako ang nasa posisyon na magdesisyon sa bagay na ‘yan,” sey pa ni Sir Mike.

Sa pag-uusap daw nilang ‘yun ay kasama rin sa nabuksang topic ang pagkaroon ng isang radio show ni Joey de Leon.

Hindi maikakaila na isa sa mga itinuturing na may kapangyarihan sa bakuran ng Kapuso Network si Mike Enriquez pero sabi pa niya sa amin, hindi naman porke may posisyon siya sa istasyon ay kaya na niyang mailakad na magkaroon agad ng show sa kanila si Willie Revillame.

“Ako, anything na worth exploring, lalo na iyong mga out of the box na idea, ‘yung may innovation at kung makatutulong sa GMA, susuportahan ko iyan,” lahad pa ng magaling na newscaster.

Tags: mike enriquezwillie revillame
Previous Post

Senators, nakipagbeso-beso kay Garin

Next Post

PAA-Bilisan, aalagaan ang mga batang lansangan

Next Post

PAA-Bilisan, aalagaan ang mga batang lansangan

Broom Broom Balita

  • Vergeire: 300K pang Covid-19 bivalent vaccines, idinonate sa Pilipinas
  • Afam, naispatang kumakain ng tira-tirang pagkain sa isang mall
  • MPL Philippines Season 11, gaganapin sa Makati
  • Fans ni Taylor Swift, pabirong hinikayat na solusyonan ang mataas na presyo ng itlog sa US
  • Isang grupo ng community pantry, tinutulungang magbenta ang mga magsasaka ng sibuyas
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.