• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

PAA-Bilisan, aalagaan ang mga batang lansangan

Balita Online by Balita Online
June 5, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matagumpay ang limitado lamang sa 200 mananakbo na humataw sa “Takbo na! Paa-Bilisan” sa piling lugar sa loob ng Quezon Memorial Circle noong Linggo ng umaga na isinaayos ng Global Runner na si Cesar Guarin ng Botak & Isports Plus at sa pag-alalay ng Team Skewers.

Tinanghal na kampeon sa tampok na 10-kilometrong ruta sina Isidro Perpetua at Joanne Gazang sa kalalakihan at kababaihan sa fun run na ang kikitain ay ipopondo para sa edukasyon ng mga Batang Lansangan.

Inangkin nina Benjamin Bravo at Rosel Abajo ang pilak samantalang nagkasya sa tanso sina Elmer Donato at Charina Javier, na nagsitanggap ng mga pasadyang tropeo at mga papremyo.

Pasok sa Top 3 ng anim na kilometrong ruta sina – 1. Jasper Espinoza / Evelyn Almacha, 2. Rico Refia / Noeme Jane Tosing at 3. Nilbert Precia / Emily Almarines, na kabilang sa mga umakyat ng pedestal para sa karangalan.

Samantala, sumakabilang buhay na ang isa sa haligi ng pagbibiskleta sa bansang si Antonio “Loy” Cruz, tserman ng United Cyclists Association of the Philippines at pangulo/GM ng WESCOR Transformer Corporation noong 6:30 pm ng Nobyembre 20, sa St. Luke’s Medical Center-Quezon City habang nakikipaglaban sa stage 4 cancer.

Naiwan ni Loy, 68 anyos, pang-apat sa magkakapatid na sina Reynaldo, Rodolfo, Philip, Emiliano, Jr., Rolando, Ramon, Adelina, Merissa, Imelda, ang kabiyak na si Teresita “Baby” Rivera, mga anak at manugang na sina Micaelle, Bibay – Edward, Tambi – Donna, Peter at mga apong sina Aubrey, Nicos Von, Fluffy, Yan Yan at Tamie.

Umupong chairman ng Philippine Cycling Federation si Loy noong panahon ni Bert Lina, nagsilbing opisyal noong kapanahunan ni Ponciano Regalado sa Philippine Amateur Cycling Association noong Dekada ‘90 at naging punong abala sa mga padyakang nagaganap sa Kyusi Circle.

Si Loy ay tinaguriang Patriotic Sponsor ng mga namumuno ng taunang Araw ng Kagitingan Ultra-Marathon, isang salit-salitang pagtakbo, na walang butaw o registration fee sa mga kalahok, na tumatahak sa 1942 Death March Trail of 1942, para dakilain ang mga Bayani ng Bataan, dahilan sa kaniyang walang sawang pagtulong dito nang mapasaya ang mga Bayani ng Lahi.

Ang kaniyang mga labi ay nakahimlay sa kanilang bahay sa 34 Loro St., Viliillia Village, Novaliches, Q.C., at ihahatid sa huling hantungan sa darating na Miyerkules (Nob. 26) sa Holy Cross Memortial Park sa San Bartolome, Q.C.

Tags: Department of Transportation and Communications (Philippines)eastwood cityhaitilight rail transit authorityMakatimanilaManila Metro Rail Transit Systemphilippinesquezon city
Previous Post

Show ni Willie sa GMA-7, ‘di agad-agad mangyayari

Next Post

Facebook, puntirya ng kidnap gang—PNP

Next Post

Facebook, puntirya ng kidnap gang—PNP

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.