• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

18 senior citizens, arestado sa pamemeke ng papeles

Balita Online by Balita Online
June 8, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Labinwalong senior citizens ang inaresto sa pamemeke ng papeles ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makahingi ng tulong pinansiyal sa lalawigan ng Laguna.

Hindi nakalusot ang mga suspek na matangay ang perang nakalaan para sa mga lehitimong taga-Laguna nang harangin sila ng pulisya.

Itinuturo ng mga suspek ang dalawang utak ng sindikato na sina Corazon Ranchez at Rolando Lacadman.

Isang tauhan ng DSWD ang kinutuban at ipinaaresto ang mga suspek matapos na matanggap ang salapi sa Sta. Cruz, Laguna.

Modus operandi ng grupo, na mameke ng mga papeles ng DSWD at tutungo sa mga tanggapan nito sa iba’t ibang probinsya para humingi ng tulong pinansiyal.

Ang mga inaresto ay pawang taga-Maynila at Cavite.

Sa kuwento ng 66-anyos na lolang naaresto, may nakahanda ng mga pekeng papeles para palabasing residente sila ng Laguna at kanilang medical abstract na idinadahilan ng kanilang paghingi ng tulong ang pagkakaroon nila ng sakit.

Sumailalim sila sa interview sa DSWD para humingi ng P20,000. Ang kalahati ay mapupunta sa mga suspek habang ang kalahati ay mapupunta kina Ranchez at Lacadman.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na matagal nang gawain nina Ranchez at Lacadman ang pamemeke ng papeles ng DSWD sa mga probinsiya.

Aabot sa P360,000 ang matatangay sana ng sindikato kung nagtagumpay ang 18 matatanda na nahaharap ngayon sa kasong attempted estafa through falsification of public documents.

Tags: calabarzonCorazon Solimandepartment of social welfare and developmentDepartment of Social Welfare and Development (Philippines)dswdFilipino peoplemanilaPhilippine Health Insurance Corporationralph recto
Previous Post

Richard Gomez, nag-resign bilang chief-of-staff ni Lucy

Next Post

Pekeng NBI agent, huli sa pangingikil

Next Post

Pekeng NBI agent, huli sa pangingikil

Broom Broom Balita

  • ‘Hangga’t may bata, may Eat Bulaga’: Isang leaf art, inihandog ng artist sa TVJ
  • PBBM, sinigurong nakatuon gov’t para suportahan bagong CPAs
  • Mahihirap, puwede nang kumuha ng ayuda sa mga satellite office — DSWD
  • Customer na umorder daw ng cellphone, nakatanggap ng ulo ng kambing?
  • Dating RM ni Liza Soberano, may flinex na litratong nagpasaya sa LizQuen fans
‘Hangga’t may bata, may Eat Bulaga’: Isang leaf art, inihandog ng artist sa TVJ

‘Hangga’t may bata, may Eat Bulaga’: Isang leaf art, inihandog ng artist sa TVJ

June 1, 2023
PBBM: 6.4% GDP growth, senyales ng unti-unting pagtigay ng ekonomiya ng PH

PBBM, sinigurong nakatuon gov’t para suportahan bagong CPAs

June 1, 2023
₱4.5M ayuda, ipinamahagi sa mga naapektuhan ng oil spill sa Antique — DSWD

Mahihirap, puwede nang kumuha ng ayuda sa mga satellite office — DSWD

June 1, 2023
Customer na umorder daw ng cellphone, nakatanggap ng ulo ng kambing?

Customer na umorder daw ng cellphone, nakatanggap ng ulo ng kambing?

June 1, 2023
Dating RM ni Liza Soberano, may flinex na litratong nagpasaya sa LizQuen fans

Dating RM ni Liza Soberano, may flinex na litratong nagpasaya sa LizQuen fans

June 1, 2023
‘Worth it ba?’ Paolo ibinunyag dahilan bakit nahulog, tumibok ang puso kay Yen

‘Worth it ba?’ Paolo ibinunyag dahilan bakit nahulog, tumibok ang puso kay Yen

June 1, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

30.36% examinees, pasado sa CPA Licensure Exams

June 1, 2023
”Wag nang manigarilyo’: Malacañang, nakiisa sa National No Smoking Month celebration

”Wag nang manigarilyo’: Malacañang, nakiisa sa National No Smoking Month celebration

June 1, 2023
‘Ungkatan ng past?’ Julia, makakaharap si ‘Bea’ sa pelikula nila ni Diego

‘Ungkatan ng past?’ Julia, makakaharap si ‘Bea’ sa pelikula nila ni Diego

June 1, 2023
‘Betty’ lalabas na ng bansa ngayong Huwebes ng hapon

‘Betty’ lalabas na ng bansa ngayong Huwebes ng hapon

June 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.