• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Love stories sa ‘Motorcycle Diaries’

Balita Online by Balita Online
June 4, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MAY mga pag-iibigang pinatibay na ng panahon, at mayroon ding maagang sinubok ng pagkakataon. Pero sa gitna ng mga pinagdadaanang pagsubok, hanggang saan nga ba masusukat ang tatag ng isang pagsasama?

Ngayong Huwebes, hatid ni Jay Taruc at ng Motorcycle Diaries ang ilang natatanging kuwento ng mga taong matapang na hinaharap ang mga pagsubok kasama ang kanilang mahal sa buhay.

Nakaratay na sa kama matapos ma-stroke sa ikatlong pagkakataon ang otsenta anyos na si Tatay Pablito. Hirap at pagod man sa pag-aalaga, hindi sumusuko ang kanyang asawang si Nanay Lina. Sa loob ng 46 na taon nilang pagsasama, sabay nilang hinarap ang mga paghamon ng buhay para maitaguyod ang kanilang limang anak. Sa isang espesyal na pagkakataon, kasama ng mga anak at mahal nila sa buhay, muli nilang sasariwain ang mga pangako nila sa isa’t isa.

Tagahanga naman noon si Glen ng radio anchor na nakilala sa ere bilang si Larry King. Ngayon, 11 taon na silang nagsasama sa iisang bubong, at may tatlo nang anak-anakan. Para sa kanilang mga anak, paano nga ang buhay na may mga magulang na pareho ang kasarian? Paano nito nahubog ang kanilang pananaw? At hanggang saan ang pagtanggap ng lipunan para sa mga gay couple na nagnanais bumuo ng isang kumpletong pamilya?

Bukod sa pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip, ipinanganak na pipi at bingi si Ruth. Pero sa kabila ng kanyang kapansanan, nakahanap siya ng pag-ibig sa katauhan ni Victor. Sa loob ng 20 taong pagsasama, nabiyayaan sila ng anak na ngayon ay 10 taong gulang na. Hirap man silang magkaintindihan noon, tila nakabuo na ng sariling wika ang dalawa na tanging sila lang ang nakauunawa.

Maaga namang humarap sa responsibilidad si Liezel, na sa edad na 15 ay may isang buwang gulang ng anak. Buo ang loob ni Liezel na palakihin ang kanyang anak, katulong ang 18 anyos na ama ng bata na si Nonoy. Paano hinaharap ng mga batang magulang ang mabigat na responsibilidad ng pagkakaroon ng pamilya sa mura nilang edad? At paano nabago ng bagong silang nilang anak ang mga pangarap at pananaw nila sa buhay?

Panoorin ang mga natatanging kuwento ng pag-ibig sa gitna ng pagsubok ngayong Huwebes, alas-10 ng gabi, sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV.

Tags: motorcycle diaries
Previous Post

6 x 6 truck vs pickup: 3 patay

Next Post

NATIONWIDE HEARINGS SA BANGSAMORO LAW

Next Post

NATIONWIDE HEARINGS SA BANGSAMORO LAW

Broom Broom Balita

  • Kilalang pinakamatandang Hebrew Bible, isasapubliko sa Israel bago ibenta
  • Hiling na medical, financial assistance tutugunan ng Presidential Help Desk
  • Leni Robredo, bumisita sa Japan para sa Angat Buhay programs
  • Pasahero ng MRT-3, timbog dahil sa bomb joke
  • South Korea, magkakaloob ng tulong sa ‘Pinas para sa oil spill cleanup
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.