• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Albay, patuloy na dinaragsa ng turista

Balita Online by Balita Online
June 5, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

LEGAZPI CITY – Lalong sumisidhi ang pagbuhos ng mga turista sa Albay habang nalalapit ang Pasko bunga ng ilang dahilan, kabilang na ang daan-daang dolphin na masasayang naglalaro sa dalampasigang malapit sa Albay Gulf, pati na ang higanteng Christmas Tree na gawa sa kamote, ang nalalapit na 2015 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, at ang Christmas Village sa bayan ng Malinao, na tinatampukan ng ilang pangunahing lungsod sa mundo.

Tunay ngang kahanga-hanga ang likas na yaman ng Albay, kasama na ang makasaysayang Cagsawa Ruins Park at ang makalaglag-pangang Mayon Volcano. Idagdag pa sa mga ito ang isang buwang singkad na Karangahan Albay Green Christmas Festival na tampok ang higanteng Christmas Tree na gawa sa kamote.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang lalawigan nila ay nagmistulang santuwaryo o ligtas na tahanan ng mga dolphin dahil sa mabuti at mabisang ecological practices nito, kasama na ang bakawan reforestation sa ilalim ng CRABS++ (Coastal Resource Agri Bio-System) Development Program Strategy ng lalawigan.

Ang pinakamalaking kaganapan dito sa Albay ngayong taon ay ang una at pasimulang Ministerial Meeting ng 2015 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit na idaraos sa Disyembre 8-9. Dadaluhan ito ng economic ministers ng 21 bansang kasapi ng APEC at mahigit 1,000 iba pang opisyal nila.

Tiniyak ni Salceda na masisiyahan ang mga bibisita sa maalab at makataong pagtanggap sa kanila ng mga Albayano at ang kabigha-bighaning mga tanawin sa kanilang lalawigan na kilala na sa buong mundo dahil sa mga larawan at postcards. Kinikilala ngayon ang Albay na pinakamabilis na sumusulong na tourist destination sa bansa.

Tags: ang paskoapecasia pacific economic cooperationchristmas treejoey salceda
Previous Post

PHILHEALTH COVERAGE

Next Post

Katy Perry, umamin na naisipan niyang magpakamatay

Next Post

Katy Perry, umamin na naisipan niyang magpakamatay

Broom Broom Balita

  • Mga magsasaka, tutulungan ng DA vs oversupply ng kamatis sa N. Vizcaya
  • Business establishment owners, hinikayat ni Lacuna na tumanggap na rin ng e-health permits
  • ‘Bondee’ app na bagong kinagigiliwan ng netizens, nilikha umano ng demonyo?
  • Lalaki, namataang putol ang ulo habang naglalakad sa Manila Cathedral
  • Mga nagparehistro para sa 2023 BSKE, pumalo na sa 2.4M
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.