• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Walang modong young actor, pinagmukhang bangkay sa pictorial

Balita Online by Balita Online
June 9, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

blind-copy-copy (1)

NAPASYAL ang showbiz friend namin sa pictorial ng mga bida sa isang indie movie. Naabutan niyang kinukunan ng kilalang photographer, sa mismong studio na pag-aari nito, ang magandang not so young actress. 

Akala ng aktres ay puwede na siyang umuwi pagkatapos ng ilang shots sa kanya. Kaya ipinaligpit na niya sa kanyang alalay ang mga gamit nila, kasama ang mga damit na isinuot niya sa pictorial. 

Pero nagdayalog bigla ang namamahala sa produksiyon at sinabihan ang aktres na hindi pa siya tapos dahil hihintayin pa nila ang young actor na kasama niya sa pelikula, may mga kukunan pang magkasama sila.

Dahil masunurin si Aktres, wait na lang ang beauty niya. Umabot sa isa, dalawa, at hanggang tatlong oras, ni anino ng aktor ay waley sa bisinidad. Gusto na sanang umuwi ni Aktres dahil ilang oras na nga naman siyang nabuburo sa loob ng studio.

Lahat ng naghihintay sa young actor, nagpupuyos na ang kalooban sa pagpapahintay nito.

Maglilimang oras na ang waiting game nang finally ay dumating ang kanilang hinihintay na young actor, na kahit alaga ng isang network ay nananatili pa ring starlet.

Inakala ng aktres at ng lahat ng mga kasama nilang naghintay na kahit pabalat-bunga ay hihingi ng dispensa si Young Actor pero dedma ito, huh!

Ang siste, kailangan pa ring maghintay si Aktres dahil dapat din namang naka-makeup ang unprofessional na aktor.

Halos isang oras pa ulit ang ipinaghintay ni Aktres.

Pero ang ikinaloka ng source namin, nang kukunan na ang dalawa ay halos hindi makilala ni Aktres at ng iba pang mga tao sa studio ang kasama niya.

“Paano ba naman, kung anik-anik ang inilagay sa mukha ni ______ (young actor) na sa utos yata ng namamahala ng produksiyon na palabasing multo siya,” natatawa pang kuwento sa amin ng source namin. 

“Asus, multo pala ang inaantay ko,” pabulong na dayalog na lang daw ng aktres.

Sey ng source, naasar yata ang production kaya inutusan ang makeup artist na nadamay din sa paghihintay at naasar sa kawalan ng modo ng starlet actor, kaya pinagmukha siyang bangkay.

‘Buti nga!

Tags: young actor
Previous Post

15,000 nanganganak kada buwan sa Yolanda areas

Next Post

Socialized tuition system, ipinupursige sa UP

Next Post

Socialized tuition system, ipinupursige sa UP

Broom Broom Balita

  • NPA commander, inaresto sa Surigao del Sur
  • Filipinas, umabante sa FIFA women’s ranking
  • Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
  • Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo
  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.