• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

PAGTUGON SA MICRONUTRIENT DEFICIENCY SA PAMAMAGITAN NG FOOD FORTIFICATION

Balita Online by Balita Online
June 22, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

IDINARAOS ang national Food Fortification Day tuwing november 7 bilang pagtalima sa Executive Order 382 na nilagdaan noong Oktubre 29, 2004. Ang food fortification, na programa ng gobyerno upang tugunan ang micronutrient deficiencies, lalo na sa mga buntis, nagpapasuso, at mga bata, sa pamamagitan ng pagdadagdag ng bitamina at mineral tulad ng iron, vitamin A, folic acid, at iodine sa mga pagkain upang mapaigting ang kanilang taglay na nutrisyon.

Nagpapatupad ang Department of Health (DOH) ng food fortification mula pa noong 1995. ipinakikita ng nutrition surveys na ang vitamin A deficiency, iron-deficiency anemia, at iodine-deficiency disorder ay mga suliranin sa kalusugan na maaaring maremedyuhan ng food fortification.

Hinihimok ang mga consumer na humanap ng mga produktong may Sangkap Pinoy Seal (SPS) sa tuwing bibili sila ng pagkain, lalo na para sa mga ina at mga bata na nabibilang sa most at-risk groups sa micronutrient deficiency. mayroong 139 processed food product na may SPS, 37% nito ay snacks.

Ang SPS program ay isang estratehiya ng DOH na humihimok sa mga pabrika na magfortify ng kanilang food products ng tatlong mahahalagang micronutrients – vitamin A, iron, at iodine. Ang fortified foods tulad ng fruit juices, fish and meat products, instant noodles, cheese products, at infant food ay magtaglay ng SPS sa sa kanilang packaging, na tumitiyak sa kanilang pagtalima sa fortification standards at good manufacturing practices.

Mahalaga ang micronutrients para sa paglaki, kalusugan at development. Ang deficiencies ay maaaring magresulta sa pagkabansot, kakulangan sa timbang, at mabagal na pag-iisip. Ipinakikita ng isang survey na 20.2% o dalawa sa sampung bata edad lima pababa ang kapos sa timbang at 33.6% o tatlo sa sampu ang bansot para sa kanilang edad.

Saklaw ng Philippine food fortification program ang lahat ng imported o locally processed foods o food products for sale o distributed sa bansa maliban sa dietary supplements; yaong para iluwas o para sa produksiyon ng iba pang food products, tulad ng beverages; brown rice at malagkit na bigas. nire-require sa mga manufacturer na mag-fortify ng kanilang mga produktong pagkain.

May mga batas na ipinatupad upang mapasigla ang food fortification tulad ng republic Act (RA) 8172 na nagpapalaganap ng salt iodization at rA 8976, ang Philippine Food Fortification Act of 2000, na nananawagan ng mandatory food fortification ng asin na may iodine, bigas na may iron, harina na may vitamin A at iron, mantika na may vitamin A, at asukal na may vitamin A, upang makatugon sa micronutrient deficiencies sa pagkaing Pilipino.

Tags: pagkain
Previous Post

Annulment, balak ilibre ng Papa

Next Post

ABS-CBN, tuluy-tuloy ang pamamayani sa ratings game

Next Post

ABS-CBN, tuluy-tuloy ang pamamayani sa ratings game

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.