• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

‘Di rin nila ako pakikinggan-VP Binay

Balita Online by Balita Online
June 22, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni JC BELLO RUiZ

Hindi pa rin sinipot ni Vice President Jejomar C. Binay ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Teofisto “TG” Guingona III.

At sa halip, nagtungo ang bise presidente sa Cebu kung saan ito nakipagpulong sa ilang opisyal ng mga lokal na pamahalaan at nakihalubilo sa maralitang grupo sa pananghalian.

“Ito ay magbibigay ng maling batayan sa hinaharap, kung saan ang Pangalawang Pangulo, ang pangalawang pinakamataas na opisyal na bansa, ay maaaring ipatawag sa mga pagdinig ng ilang mga senador,” pahayag ni Binay sa kanyang liham sa komite.

Tulad na nangyari sa mga unang pagdinig sa umano’y overpriced Makati City Hall Building 2, nangangamba si Binay na hindi rin pakikinggan ng ilang mga senador ang kanyang paliwanag na kumokontra sa kanilang kongklusyon na siya ay nagkasala.

“Tiniyak mo sa iyong sulat na kung ako ay haharap sa Senado, gagawaran ako ng patas na pagdinig at bibigyan ng respeto na angkop sa aking posisyon bilang Pangalawang Pangulo ng bansa.

Ngunit may mga pangyayari sa nakalipas na mga araw na nagbigay sa akin ng pagdududa at agam-agam, lalo na ang mga inasal nina Senador (Antonio) Trillanes at (Alan Peter) Cayetano,” dagdag ni Binay.

Subalit hindi pinayagan ng Blue Ribbon Committee na basahin ni Atty. JV Bautista at Navotas Rep. Tobias Tiangco bilang mga kinatawan ni Binay ang kalatas ng pangalawang pangulo base sa resulta ng botohan ng mga miyembro ng komite.

Tags: komitenilarinsenador
Previous Post

Polygamist immigrant, bawal sa Canada

Next Post

Teachers, nag-aalburoto sa naantalang allowance

Next Post

Teachers, nag-aalburoto sa naantalang allowance

Broom Broom Balita

  • Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%
  • Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA
  • Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan
  • Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”
  • Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%

May 24, 2022
Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

May 24, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan

May 24, 2022
Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

May 24, 2022
Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

May 24, 2022
Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

May 24, 2022
“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

May 24, 2022
OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

May 24, 2022
Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

May 24, 2022
Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

May 24, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.