• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

BILING-BALIGTAD

Balita Online by Balita Online
June 11, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Laging sinasabi ng isa nating kapatid sa media na siya ay nag-aatubili sa pagtungo sa sementeryo kung Undas. Hindi dahil sa ayaw niyang masilayan ang puntod ng kanyang mga magulang at iba pang kamag-anak, kundi dahil sa katotohanan na ang kanyang pinakamamahal sa buhay ay hindi nalibing sa sementaryo kundi sa karagatan; kabilang siya sa libu-libong pasahero ng isang dambuhalang barko na lumubog sa dagat dahil sa malagim na kalamidad maraming taon na ang nakalilipas.

Ang pangitaing ito ay laging sumasalimbay sa kanyang gunita, kaakibat ang pagpupuyos ng kalooban sapagkat hindi pa nalalapatan ng katarungan ang kanyang mahal sa buhay. Hanggang ngayon ay tiyak na biling-baligtad pa sa kanyang kinaroroonan. At tiyak na ganito rin ang nadadama ng iba pang kapatid natin sa media na buong-kalupitang pinatay sa nakakikilabot na Maguindanao massacre.

Mahigit na 30 mamamahayag ang sabay-sabay na pinagbabaril at tinabunan sa isang madawag na kagubatan sa pamamagitan ng isang backhoe. Dahil sa usad-pagong na paggulong ng hustisya, ang mga naulila nating mga kapatid sa propesyon ay patuloy na nag-aalab ang kalooban; kinukondena ang katarungan na tila binubulag ng salapi at kapangyarihan.

Totoo na ang ilang suspek ay nakakulong at patuloy namang nililitis ang mga asunto. Subalit hanggang kailan maghihintay ang mga biktima ng karumal-dumal na masaker na tiyak ding nagbibiling-baligtad sa kanilang libingan. Kabilang na rito ang iba pa nating kapatid sa media na wala ring awang pinaslang dahil sa pagtupad ng isang makabuluhang misyon; tulad ng isang haligi ng peryodismo – si Bubby Dacer – na pinatay at sinunog pa ang bangkay sa utos umano ng tampalasang makapangyarihan.

Hindi marahil kalabisang banggitin na ako man ay nag-aatubili rin sa pagdalaw sa libingan ng aking kapatid na biktima ng tinaguriang ‘noon-time massacre’. Siya at tatlong iba pa ay pinaslang sa utos ng isa ring buhong na lingkod-bayan.

Habang tayo ay umaasam pa rin ng katarungan, ipagpamisa na lamang natin ang kaluluwa ng ating mahal sa buhay.

Tags: hanggang kailanisakundinating
Previous Post

Pagdinig sa Jonas Burgos case, sinimulan na

Next Post

Malaki ang tiwala namin sa MNLF—military spokesman

Next Post

Malaki ang tiwala namin sa MNLF—military spokesman

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.