• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

ANG IYONG EGO

Balita Online by Balita Online
June 9, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ego, self-esteem, pananaw mo sa iyong sarili, iisa lang ang kahulugan ng mga iyon – ang pagtingin mo sa iyong pagkatao.

I-imagine mo ang iyong sarili na tinatawag ka ng iyong boss. Hindi kayo magwa-one-on-one na meeting o may ipagagawa siyang mahalagang proyekto sa iyo kundi pagagalitan ka na naman sa nagawa mong kapalpakan sa trabaho. Nitong mga huling araw nagiging paborito ka niyang “sabunin” at “banlawan” na kung minsan sa harap pa ng iyong mga kasama sa trabaho o ng iyong kliyente. Nakakahiya. Nakapanliliit. Parang gusto mong maglaho na parang bula.

Ngayon, nagsisimula nang bumulwak sa bunganga ng boss mo ang maaanghang na salita na parang bala na tumatama sa iyo. Masasakit na salita, para ngang nararamdaman mo ang pisikal na sakit sa pagtama sa iyo ng mga bala na iyon. Ang nararamdaman mong sakit ay ang pundasyon ng iyong ego na binabayo, binabalibag, hinahataw nang paulit-ulit. Sa kabila niyon, nananatili kang matatag at hindi mo hinahayaang mangibabaw ang iyong damdamin dahil baka may masabi kang mali. Gayunman, lumikha na ito ng damage.

Karaniwan na lamang ang ganitong eksena sa lugar ng trabaho. Lalo lamang lumalala ang situwasyon kung paiiralin ang ating ego. Kung hindi tayo flexible sa mga pag-aalipusta sa atin, lalo tayong lalaban at lalo rin natin mararamdaman ang sakit… at lalo tayong magdurusa.

Narito ang tip upang matulungan kang harapin ang iyong ego nang hindi ito lumikha ng sakit ng ulo at damdamin: Huwag mong personalin. – Maraming pagkakataon na ang mga bagay na sinasabi ng mga tao sa iyo, maging sila man ay mga kasama mo sa trabaho o nakilala mo lang sa party o pagtitipon, ay pawang sumasalamin lamang sa kanilang estado ng pag-iisip at pangkalahatang diwa ng kasiyahan sa halip na nakatuon sa iyo.

Huwag ka nang mag-overreact sa kanilang sinasabi o ikinikilos. Hayaan mo lang dumaloy ang mga salita at huwag mong idikit ang iyong sarili sa kahulugan ng mga iyon.

Sundan bukas.

Tags: binayjejomar binayMakatimanilamiriam defensor santiagophilippinesquezon citysantiago
Previous Post

Suspek sa pananaksak sa 3 estudyante, arestado

Next Post

Alitan, nauwi sa tagaan

Next Post

Alitan, nauwi sa tagaan

Broom Broom Balita

  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
  • Patawa raw? Netizens, kinuyog ang ‘Outstanding Comedian of the Year’ award ni Juliana Parizcova
  • Operasyon ng Pasig River Ferry System, suspendido sa Semana Santa
  • Student-athlete na nag-collapse sa isang football varsity game, patay!
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.