• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Finals berth, naaamoy na ng Cagayan Valley

Balita Online by Balita Online
June 10, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Arena)

4 p.m. – RTU vs Systema
6 p.m. – PLDT Home Telpad vs Army

Winalis ng Cagayan Valley ang inaasahang isang mahigpit na laban sa pagitan nila ng PLDT Home Telpad, 25-15, 25-20, 25-16, upang makahakbang papalapit sa asam na finals berth at maitakda ang duwelo nila nang nauna ng finalist na Philippine Army sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Gaya ng kanilang naunang itinalang first round sweep kontra sa Turbo Boosters noong Oktubre 12, dinikdik din ng Lady Rising Suns ang kanilang katunggali sa ipinakita nilang net at floor defense na sinabayan pa nila ng pagpapaulan ng spikes sa iba’t ibang anggulo ng korte upang maiposte ang kanilang ikatlong panalo sa limang mga laro.

Dahil dito, bumaba ang Turbo Boosters sa kabaligtarang barahang 2-3 (panalo-talo) habang isang panalo na lamang ang kinakailangan naman ng Cagayan upang makausad sa kampeonato.

Bagamat natalo, puwede pa ring makahabol ang PLDT sa huling finals berth ngunit kailangan nilang umasa na matalo ang Cagayan sa huling laro nito laban sa Meralco at talunin naman nila sa huli nilang laro ang Army sa tampok na laro ngayon sa ganap na alas-6:00 ng gabi matapos ang unang laban sa men’s division sa pagitan ng Rizal Technological University (RTU) at ng Systema sa alas-4:00 ng hapon.

Una rito, nakarekober ang Far Eastern University (FEU) sa decider set para gapiin ang RTU, 25-18, 25-15, 23-25, 20-25, 15-9, at isara ang kanilang kampanya sa barahang 2-4 (panalo-talo).

Dahil dito, nakumpleto at naitakda naman ang pagtutuos ng Systema at ng Instituto Estetica Manila sa unang kampeonato ng kalalakihan sa torneong ito na itinataguyod ng Shakey’s at suportado ng Accel at Mikasa.

Tags: cagayan valleyfar eastern universityFEUFilOil Flying V ArenaMakatimiriam defensor santiagorizal technological universitySystema
Previous Post

Credit assistance sa OFWs, ipinupursige

Next Post

OFWs, mas pinili sa ibang bansa dahil sa kawalan ng trabaho sa ‘Pinas

Next Post

OFWs, mas pinili sa ibang bansa dahil sa kawalan ng trabaho sa ‘Pinas

Broom Broom Balita

  • Pag-iimprenta ng official ballots para sa pilot automated BSKE, tapos na!
  • ₱5.768T national budget para sa 2024, inaprubahan na ng mga kongresista
  • LPA, habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
  • Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo
  • Lala Sotto sa It’s Showtime: ‘A lot of people are suggesting to cancel the show’
Pag-iimprenta ng official ballots para sa pilot automated BSKE, tapos na!

Pag-iimprenta ng official ballots para sa pilot automated BSKE, tapos na!

September 28, 2023
Buwanang pensiyon ng senior citizens, dinoble

₱5.768T national budget para sa 2024, inaprubahan na ng mga kongresista

September 28, 2023
LPA, habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

LPA, habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

September 28, 2023
Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo

Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo

September 28, 2023
Lala Sotto sa It’s Showtime: ‘A lot of people are suggesting to cancel the show’

Lala Sotto sa It’s Showtime: ‘A lot of people are suggesting to cancel the show’

September 28, 2023
Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows

Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows

September 28, 2023
Kathryn baka matulak ulit si Dolly dahil sa sinabi nito

Kathryn baka matulak ulit si Dolly dahil sa sinabi nito

September 28, 2023
‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

MTRCB, ilalabas daw desisyon sa apela ng It’s Showtime ngayong linggo

September 28, 2023
Willie Revillame, niyaya raw ulit mag-senador

Willie Revillame, niyaya raw ulit mag-senador

September 28, 2023
Willie Revillame, ‘binanatan’; gumagamit daw ng taumbayan para yumaman

Willie Revillame, ‘binanatan’; gumagamit daw ng taumbayan para yumaman

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.