• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

MGA ARAL SA BUHAY NA NALILIMUTAN

Balita Online by Balita Online
June 10, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

HINDI lamang sa paaralan tayo maaaring matuto. Natututo rin tayo ng mga aral sa buhay mula sa ating mga karanasan araw-araw na hindi natin matatagpuan sa mga textbook. Ang nakalulungkot lamang, sapagkat abala tayo sa ating mga trabaho at iba pang aktibidad sa buhay, nalilimutan natin ng mga gintong butil na nakatutulong sa ating maging mas mabuti.

Noong maliliit pa tayo, napakadali nating turuan. Minsan nga, isang turo lang ng ating teacher, alam na agad natin. Ngunit ngayong matatanda na tayo, naging mas matigas na ang ating ulo kaysa noong bata pa tayo. At kung minsan, kailangang maging napakahusay ng ating propesor o mga magulang o mas nakatatanda upang maukilkil sa ating utak ang mga aral at disiplina. Ang disiplinang iyon ay maaaring aktuwal na pagbatok sa atin o sa anyo ng isang artikulo na mababasa natin sa Internet o sa isang magazine o diyaryong tulad ng binabasa mo ngayon na may layuning ipaalala sa atin ang mga aral na nalimutan na natin.

  • Maging productive, hindi busy. – Huwag hayaang pamunuan o paharian ng iyong trabaho ang iyong buhay. Huwag masyadong abala sa paghahanapbuhay kung kaya wala ka nang panahon para sa iyong pamilya. Huwag kang masyadong maging workaholic kung kaya nalilimutan mong maglaan ng oras sa mahahalagang tagpo sa buhay ng iyong mga anak. Ngunit hindi ito nanganghulugang magpabaya ka sa iyong trabaho dahil kailangan mong suportahan ang lahat ng pangangailangan iyong mga anak. Tiyakin lang na productive ka, hindi busy. Tandaan: Mas mahalaga ang iyong mga relasyon sa buhay kaysa pera.
  • Huwag mag-apura. – Sa isang daigdig ng agarang pagpapadala ng mga mensahe, mabilis na koneksiyon sa Internet, mga mobile app na nagpapadali mg ating trabaho sa pagpipindot lamang sa touch screens ng ating mga cellphone at tablet, natatamo agad natin ang instant na kasiyahan. Hangad kasi natin ang lahat ng bagay kaagad nang hindi nag-aaksaya ng panahon, ngunit may kasabihan tayo: Patience is a virtue. Tandaan: Laging mas mainam ang long term kaysa short term.

Sundan bukas.

Tags: akalabasilanEddie Garcialito lapidPhilippinePhilippine Business for Social Progressrobin padilla
Previous Post

5 empleyado, masisibak sa 40 dressed chicken

Next Post

P87M babayaran ng US sa Tubbataha Reef

Next Post

P87M babayaran ng US sa Tubbataha Reef

Broom Broom Balita

  • DepEd, walang planong ibalik ang summer break sa Abril at Mayo
  • ₱2.6M halaga ng cocaine, nasabat; 2 tulak ng droga, arestado
  • Mag-ex na Heart at Echo, muling nagkita; Mr. M, nakipag-reunion sa mga alaga
  • PNP chief, suportado pagsibak sa ex-QCPD-CIDU chief dahil sa hit-and-run case
  • Lovi Poe, feeling patay sa birthday tarpaulin
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.