• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

3 patay sa pagsalakay ng BIFF

Balita Online by Balita Online
June 11, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tatlo katao na kinabibilangan ng dalawang sundalo ang napatay makaraang sumalakay ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa bayan ng President Quirino sa Sultan Kudarat noong Huwebes ng gabi.

Kabilang sa mga namatay si Maximo Salamanca, kapatid ni dating President Quirino Mayor Emilio Salamanca, at dalawang sundalo na hindi pa nakikilala ng pulisya.

Narekober ng mga sundalo ang bangkay ni Salamanca matapos ang walong oras na engkuwentro sa Barangay Bagumbayan, sa Sultan Kudarat at sa Bgy. Kulasi sa SK Pendatun, Maguindanao.

Sinabi ni Senior Insp. Gary Marfil, hepe ng pulisya ng President Quirino, dalawang kasapi ng Barangay Police Action Team ang nasugatan sa labanan.

Ito ay sina Jose Lusano, na nagtamo ng tama sa ulo at Gerry Yadao na tinamaan naman sa kaliwang kamay.

Ayon kay Marfil, ang detachment ng CAFGU sa Bgy. Katiko, President Quirino ang unang sinalakay ng may 30 sa BIFF at nagpadala ng dagdag na tropa ang 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Naniniwala si Marfil na hindi lamang land conflict ang target ng BIFF sa pagsalakay sa lugar kundi nais din ng mga rebelde na maghasik ng takot dahil sa nagpapatuloy na konsultasyon sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law.

Naka-hightened alert ngayon ang buong bayan ng President Quirino.

Tags: biffCitizen Armed Force Geographical Unitislammaguindanaophilippine armyPresident Quirino Sultan Kudaratsultan kudarat
Previous Post

KC, ‘di kaartehan ang pagdedenay sa relasyon nila ni Paolo

Next Post

QUOTA SYSTEM SA PNP

Next Post

QUOTA SYSTEM SA PNP

Broom Broom Balita

  • Ogie Diaz may tanong kay Xian Lim: ‘Sino si Iris Lee?’
  • 3 weather systems, magpapaulan sa ilang bahagi ng PH – PAGASA
  • ‘Chapter closed:’ Ang KathNiel sa loob ng 11 taon
  • ABS-CBN CSID 2023, inilunsad na; KathNiel, ‘di magkasama
  • Bea Borres sa umuurirat na netizens: ‘Wala kayong makukuha sa akin’
Ogie Diaz may tanong kay Xian Lim: ‘Sino si Iris Lee?’

Ogie Diaz may tanong kay Xian Lim: ‘Sino si Iris Lee?’

December 3, 2023
Auto Draft

3 weather systems, magpapaulan sa ilang bahagi ng PH – PAGASA

December 3, 2023
‘Chapter closed:’ Ang KathNiel sa loob ng 11 taon

‘Chapter closed:’ Ang KathNiel sa loob ng 11 taon

December 3, 2023
ABS-CBN CSID 2023, inilunsad na; KathNiel, ‘di magkasama

ABS-CBN CSID 2023, inilunsad na; KathNiel, ‘di magkasama

December 3, 2023
Bea Borres sa umuurirat na netizens: ‘Wala kayong makukuha sa akin’

Bea Borres sa umuurirat na netizens: ‘Wala kayong makukuha sa akin’

December 3, 2023
Uge, pinayuhan si Pokwang sa pakikipagrelasyon, pag-aasawa

Uge, pinayuhan si Pokwang sa pakikipagrelasyon, pag-aasawa

December 3, 2023
Pag-guest ni Rochelle Pangilinan sa Eat Bulaga, umani ng reaksiyon

Pag-guest ni Rochelle Pangilinan sa Eat Bulaga, umani ng reaksiyon

December 3, 2023
Tsunami warning matapos ang lindol sa Surigao, kinansela na

Tsunami warning matapos ang lindol sa Surigao, kinansela na

December 3, 2023
Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur

Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur

December 2, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

December 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.