• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

PATI MUSMOS KASALI

Balita Online by Balita Online
June 15, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

HUWAG ANG ANAK KO! ● Akala ng isang ina sa Kosovo, mamamasyal lamang ang kanyang mag-ama sa bundok nang ilang araw lang noong Hulyo. Pagkaraan ng ilang buwan, umuwi rin naman ang mag-ama ngunit laking gulat ng ina sa kung ano ang dinanas ng kanyang anak. Ayon sa isang ulat, napag-alaman na sinanay pala ng jihadi na ama ang kanyang anak para sa isang spy agency ng Kosovo. Nang muling makita ni Zena Abazi ang kanyang anak, hindi mailalarawan ng mga salita ang kanilang mga damdamin.

Hinihimok ng mga extremista sa Syria ang mga jihadi na umanib sila sa kanilang samahan kasama na pati ang kanilang mga anak upang sanaying maging mga mandirigma. Nang malaman ito ni Abazi, umapela siya gamit ang media na huwang idamay ang kanyang anak sa kabila ng pagdami ng mga batang sumasali sa Islamist radicals sa Iraq at Syria. “I want him to go back the life he had,” ani Abazi sa media. “I’m not dealing with what went on there.” Hindi ko maintindihan ang kanilang relihiyon dahil pati musmos isinasalang nila sa panganib. Ang religious extremists na ito ay salot sa sangkatauhan. Hindi nila iginagalang ang buhay. Mahal ng Diyos ang Kanyang mga anak, kaya nga isinakripisyo Niya ang Kanyang sarili dahil sa pagmamahal na iyon. Ang isinasakripisyo naman ng mga extremista ay ang buhay ng iba.

PARANG SA MALL ● Kamakailan, madaling araw, labing isang pasahero sa loob ng isang public utility bus ang hinoldap ng dalawang lalaki sa East Avenue, Quezon City. As usual, nagpanggap na pasahero ang dalawang demonyo sa Taguig Metrolink Bus at nagdeklara ng holdap. Nagpaputok ang isa sa dalawang ungas sa sahig kaya naghintatakutan ang mga pasahero. Nilimas naman ng kasamang demonyo ang salapi at cellphone ng mga kawawang pasahero. Hay… ang lakas ng loob ng ilang kampon ni Satanas kasi wala silang kinatatakutan. Kung paiiralin ang death penalty, tiyak na magdadalawang-isip ang mga unggoy bago gumawa ng krimen. Sapagkat hindi naman maiiwasang sumakay ng bus o jeep, at dahil wala naman tayong nakikitang death penalty dahil sa pagbabanal-banalan ng ilang kinauukulan, magpatupad sana ng safety measures. Bakit hindi natin gayahin ang pag-iinspeksiyon ng mga bag bago pumasok sa mga mall? Bakit hindi kapkapan ang mga pasahero ng mga patalim o anumang deadly weapon? Maaaring maabala lamang tayo ng kaunti sa ating pagsakay dahil sa inspeksiyon ngunit ligtas naman tayong makararating sa ating paroroonan.

Tags: iraqMakatiquezon citysyria
Previous Post

Bangkay sa bangin, nakilala na

Next Post

P1.2-M livelihood project sa magsasaka ng Quirino

Next Post

P1.2-M livelihood project sa magsasaka ng Quirino

Broom Broom Balita

  • ‘Shopping galore!’ DJ Chacha naloka sa 60+unknown transactions sa credit card
  • #LalaResign trending sa X matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng “It’s Showtime”
  • Thailand, pinadapa ng Gilas Pilipinas sa 19th Asian Games sa China
  • Payo ni Rendon kay Joey: ‘Magbago ka na, di na kami natutuwa sa biro mo!’
  • Workers sa private sector sa 3 rehiyon sa bansa, may umento — DOLE
‘Shopping galore!’ DJ Chacha naloka sa 60+unknown transactions sa credit card

‘Shopping galore!’ DJ Chacha naloka sa 60+unknown transactions sa credit card

September 28, 2023
#LalaResign trending sa X matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng “It’s Showtime”

#LalaResign trending sa X matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng “It’s Showtime”

September 28, 2023
Thailand, pinadapa ng Gilas Pilipinas sa 19th Asian Games sa China

Thailand, pinadapa ng Gilas Pilipinas sa 19th Asian Games sa China

September 28, 2023
Payo ni Rendon kay Joey: ‘Magbago ka na, di na kami natutuwa sa biro mo!’

Payo ni Rendon kay Joey: ‘Magbago ka na, di na kami natutuwa sa biro mo!’

September 28, 2023
Workers sa private sector sa 3 rehiyon sa bansa, may umento — DOLE

Workers sa private sector sa 3 rehiyon sa bansa, may umento — DOLE

September 28, 2023
Kapuso execs bumisita sa It’s Showtime

Kapuso execs bumisita sa It’s Showtime

September 28, 2023
‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
20 priority bills, aprub na sa Kamara

20 priority bills, aprub na sa Kamara

September 28, 2023
Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.

E.A.T., nag-sorry sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon – MTRCB

September 28, 2023
Bong Go, pinuri gov’t sa pagtanggal ng floating barrier sa Bajo De Masinloc

Bong Go, pinuri gov’t sa pagtanggal ng floating barrier sa Bajo De Masinloc

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.