• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

PAGTITIPID NA HINDI MISERABLE

Balita Online by Balita Online
June 15, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naging malinaw sa atin kahapon na marami sa atin ang naniniwala na ang pagiging matipid ay nangangahulugan ng pagiging miserable. Ngunit hindi naman kailangang maging masakit ang pagtitipid. Ito ay simpleng pag-aaral ng mga bagay na maaari mong baguhin na hindi naman nakaaapekto sa iyong kaligayahan. Tandaan: Panatilihin mo lang ang mga bagay na mahalaga sa iyo, hindi ang palagay ng iyong mga kasama sa kung ano ang dapat mong paglaanan ng pera. Kung wala ka namang problema sa cellphone unit mo, huwag ka nang bumili ng latest model dahil lamang nagbilihan ang iyong mga kaibigan at kasama. Ipagpatuloy natin…

  • Alamin mo rin kung ano ang hindi mahalaga sa iyo. – Kapag nabatid mo na kung anu-anong bagay ang mahalaga sa iyo na nakapaghahatid ng kabutihan sa iyong buhay, dapat alamin mo rin ang hindi. Marahil bumibili ka ng branded items sa supermarket o yaong sikat ngunit mahal na produkto dahil iyon na ang nakaugalian mo, may makaaalam ba kung ggamit ka ng mas murang halaga? Di hamak na mas mura ang generic kaysa branded ngunit pareho lang ang kalidad.

Kung araw-araw kang bumibili ng imported chocolate bago ka pumasok sa trabaho o eskuwela, binibili mi ba iyon dahil sarap na sarap ka o naging habit mo na? Subukan mong sa bahay na lang mag-almusal at minsan na lang sa isang linggo ka bumili ng paborito mong chocolate. Magugulat ka rin sa iyong pananabik sa chocolate na iyon at aakyat ng ilang antas ang iyong kasiyahan kapag nginangasab mo na.

Noon, bago ako pumasok sa trabaho, pumapasok muna ako sa isang convenience store na nasa ibaba lamang ng aming gusali. Doon ako nagkakape at kumakain ng paborito kong siopao. Mula Lunes hanggang Biyernes ganoon ang aking ritual, hindi dahil masarap ang siopao na kanilang tinda kundi naging habit ko na ang pagkain niyon. Hanggang isang araw namalayan ko na lang na kinakapos na ako ng pera para sa morning ritual na iyon. Kaya nang simulan kong mag-almusal sa bahay mula Lunes hanggang Huwebes naging kapana-panabik sa akin ang paborito kong siopao. Biglang sumarap yata. Dahil binago ko ang aking morning ritual, nakatitipid ako sa pera na hindi naman ako miserable.

Tatapusin bukas.

Tags: ABS-CBN Corporationdepartment of healthgodInstagramMakatiphilippines
Previous Post

Kenyan rider, nasawi sa Tour Of Matabungkay

Next Post

Pinsala ng Mayon sa Albay economy, balewala

Next Post

Pinsala ng Mayon sa Albay economy, balewala

Broom Broom Balita

  • Robert Bolick, balik-NorthPort na!
  • ‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin
  • Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya
  • DAR, namahagi ng lupa sa mga magsasaka sa bansa
  • DA, naglaan ng P326-M para mapalakas ang produksyon ng sibuyas sa bansa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.