• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Kylie Padilla, nakakabilib ang kaprangkahan

Balita Online by Balita Online
June 15, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

KYLIE Padilla

NAKAKABILIB ang kaprangkahang sumagot ni Kylie Padilla nang makaharap namin siya sa isang exclusive pocket interview. Ang maganda pa, kung feeling niya ay may ibang tao siyang masasaktan sa nasabi niya, ipinapakiusap niya na huwag na lang isulat.

Kylie openly speaks about her career—as an action-drama actress, painter, singer-songwriter at martial arts expert—at bukas din siyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang personal na buhay, sa relasyon niya sa kanyang Daddy Robin (Padilla, na aniya’y over-protective lalo na sa lovelife niya), at sa buhay (moving-on after her break-up with a Kapuso actor (ayaw niyang ipabanggit ang name).

Naka-move-on na si Kylie pero hindi siya naghahanap ng kapalit, although sa normal na babaeng kasing ganda niya, hindi naman maiiwasang may nagpaparamdam.

“My whole life, adjust to that person, pero ganu’n na nga, tanggap ko na (na wala na sila). Gano’n kasi ako magmahal, eh. Sa ngayon, huwag po muna, focus muna sa career ko,” mahinahong sabi ni Kylie sa amin.

Paano ang mga bubuyog na umaaali-aligid?

“’Yon nga, eh, kung kailan ko sinabi sa sarili ko na, ‘No, tama ka muna, Kylie’, ‘yun, andami na naman,” sabay tawa.

Hindi man direktang ipinahayag, duda ang mga katoto na baka isa sa mga bubuyog ang co-star niya sa Dilim na si Rayver Cruz. Ramdam kasi sa aming kuwentuhan na kinikilig siya sa binatang Cruz.

Lalo na nang banggitin kay Kylie na sa isa nilang guestings, na kinikilig siya kay Rayver, huling-huli ng kamera ang paghimas-himas ng binata sa kanyang likod.

“ Masaya ako no’ng araw na ‘yun,” pilyang sabi ng dalaga.

Aminado si Kylie na kinikilig siya kay Rayver.

“Yes, actually kinikilig na… paano ba ‘to?” parang batang sabi ng 21 year-old daughter ni Robin. “Nakakakilig talaga siyang kaeksena.”

Ayaw pang mag-elaborate ni Kylie tungkol kay Rayver dahil ayaw niyang masabihan na ginagamit nila ang sitwasyon to promote Dilim na ipalalabas na on October 22.

“Interview me after ipalabas ‘yung movie, sasabihin ko sa inyo ang totoo (sa kanila ni Rayver), ‘pag wala nang movie,” promise ng dalaga sa amin. “Alam n’yo na siguro. Ah, basta nakakakilig talaga siya.”

O, di ba? Mukhang tinamaan na naman si Kylie after her past failed relationship months ago.

Si Rayver na kaya ang kanyang Mr. Right?

“I don’t know, kasi on the set, good kami, so perfect pero hindi ko pa alam in real life kung match kami. ‘Yun (soulmate) ang hinahanap ko ngayon, eh, I am not for the lovey-dovey stuff anymore, gusto ko ‘yung kahit hindi nakikita ng tao, ando’n ‘yung chemistry na magma-match kami,” sagot niya.

Naiintindihan niya kung bakit over-protective at strict ang kanyang Papa Robin sa pakikipagrelasyon niya.

“’Yung pagka-protective ni Papa, may good reason naman and I know why kung bakit niya ginagawa ‘yun, kasi sa panahon natin ngayon talagang madami na ang hindi na conservative. Naiintindihan ko nga ‘yung mensahe ni Papa kung nagiging over-protective siya at hinihingi ko rin ‘yong trust niya sa akin na, I wouldn’t do that, you know. At sana rin maintindihan ni Papa na nagkakamali din ako, I’m only 21.” At bata pa raw siya.

Nakaaliw makipag-usapan sa artistang walang kiyeme. Hindi kami sanay, he-he….

Tags: bacolodgma networkKylie Padillapaulo avelinorayver cruz
Previous Post

P1.2-M livelihood project sa magsasaka ng Quirino

Next Post

Macta Infirma, kakatawanin ang Pilipinas sa South Korea

Next Post

Macta Infirma, kakatawanin ang Pilipinas sa South Korea

Broom Broom Balita

  • Patawa raw? Netizens, kinuyog ang ‘Outstanding Comedian of the Year’ award ni Juliana Parizcova
  • Operasyon ng Pasig River Ferry System, suspendido sa Semana Santa
  • Student-athlete na nag-collapse sa isang football varsity game, patay!
  • Dahil sa bentahan ng tiket online, official fan club ni Sarah G, nagbabala vs scammers
  • Ogie Diaz, naniniwalang matalinong tao si Rendon Labador
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.