• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

DOH: Handa tayo sa Ebola

Balita Online by Balita Online
June 11, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

doh_presscon02_vicoy_171014-copy-550x395

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa ang Pilipinas sa banta ng Ebola virus.

Ayon kay Health spokesperson Dr. Lyndon Lee-Suy, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng banta ng isang nakamamatay na virus sa bansa. Inihalimbawa niya ang SARS, H1N1 bird flu, at MERS-CoV na lahat ay nalampasan ng bansa.

Araw-araw nang magsasagawa ng press briefing ang DOH kaugnay sa Ebola virus upang matiyak na hindi magkukulang sa tamang impormasyon ang publiko laban sa nasabing virus.

Tiniyak naman ni Lee-Suy na sakaling may dumating sa bansa na pinaghihinalaang nagtataglay ng Ebola ay magiging confidential ang pagkakakilanlan at tirahan ng pasyente. Magkakaroon sila ng communication strategy sa komunidad o mga kapitbahay nito para hindi magdulot ng panic.

Kaugnay nito, isasailalim ng DOH ang health workers sa mga specialized training program, upang maging bihasa sa pagtukoy at paglunas sa Ebola Virus Disease (EVD), gayundin sa pag-iingat na kumalat ang naturang sakit sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ang training ay sisimulan sa Oktubre 28 at magiging linggu-linggo na ito.

“After the successful National Ebola Summit held last Friday (October 10), we want to primarily increase the capacity of our health workers nationwide in responding to EVD, like what we did when SARS and H1N1 threatened the country a few years ago,” pahayag pa ng Kalihim.

Idinisenyo at pamamahalaan ng DOH at ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas ang naturang training.

Sa pamamagitan ng training, mabibigyan ang mga medical worker ng mas malalim na pag-unawa sa EVD, sa transmission at epidemiology nito at mahahasa ang kahusayan ng mga kalahok tulad ng pag-iingat sa sarili, seguridad at kaligtasan.

“WHO Philippines is delighted to be working with the Department of Health to provide training on the detection and treatment of EVD and on how to prevent its spread here in the Philippines. The health workers trained will be essential for Philippine efforts to protect the country from the potential threat of the disease,” pahayag ni WHO Representative for the Philippines Dr. Julie Hall.

Available ang training sa tatlong grupo ng kalahok na mula sa — 1.) lahat ng DOH-referral hospital, 2.) mga pribadong ospital at 3.) mga lokal na ospital ng pamahalaan.

Ang mga kalahok ay bubuuin ng mga infection control specialist, doktor, nurse, at medical technologist ng mga ospital.

Tags: department of healthdohebolaEbola virus diseaseEnrique OnaPhilippineworld health organization
Previous Post

Cambodia genocide trial, binuksan

Next Post

Bagyong Yolanda, pinakamapinsalang kalamidad ng 2013 –Red Cross

Next Post

Bagyong Yolanda, pinakamapinsalang kalamidad ng 2013 –Red Cross

Broom Broom Balita

  • Keanna Reeves, nagpupuyos ang galit sa blind item
  • Pamilya ng nawawalang graduating student sa Samar, nag-alok ng ₱250K reward
  • ‘Sana all!’ Small Laude, hindi tumitingin sa price tag kapag nagsha-shopping
  • Bataan parish, opisyal nang magiging national shrine sa Abril 1
  • Doug Kramer, ibinida ang anak na si Gavin sa unang laro nito ng basketball
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.