Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo, na walang iba kundi ang pagkukunwari. Walang tinatakpan na hindi mabubunyag, walang natatago na hindi malalaman. Kaya naman ang sinabi n’yo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibinulong n’yo sa mga kuwarto, sa bubungan ipahahayag. Sinasabi ko naman ito sa inyo na mga kaibigan ko: huwag n’yong katakutan ang mga nakapapatay sa katawan at wala nang magagawang anuman. Ituturo ko sa inyo kung sino ang dapat n’yong kata kutan: Matakot kayo sa may kapangyarihang pumatay at may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno.”
PAGSASADIWA
Matakot kayo sa may kapangyarihang pumatay at may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno. ● Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na huwag matakot sa mga nakapapatay sa katawan at pagkatapos ay wala nang magagawang higit pa roon. Pina-aalalahanan niya sila na maging matapang at harapin ang kamatayan nang walang takot. Dahil sa mga sinabing ito ni Jesus, marami sa kanyang mga alagad ang nagtiis ng pag¬uusig at nag¬alay ng kanilang buhay sa pagtatanggol sa kanilang pananampalatayang Kristiyano. Kinulayan ng dugo ng mga martir ang kasaysayan ng Iglesya.Sinasabi rin ng Panginoong Jesucristo sa kanyang mga alagad na huwag matakot sapagkat pinangangalagaan sila ng Diyos nang higit sa pangangalaga niya sa mga ibon: “Huwag kayong matakot; mas mahalaga pa kayo kaysa maraming maya”.