• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Obama girls, Malala, Lorde, pasok sa influential teens’ list ng Time

Balita Online by Balita Online
June 17, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

LOS ANGELES (Reuters) – Ang mga anak ni U.S. President Barack Obama, entertainers, isang Nobel laureate at isang babaeng baseball player ay napabilang sa taunang listahan ng Time magazine ng pinakamaimpluwensiyang teenagers sa mundo.

Pumasok ang first daughters na sina Malia, 16, at Sasha, 13; ang Grammy-winning New Zealand singer na si Lorde, 17; at ang Pakistani education activist na si Nobel Prize Winner Malala Yousafzai, 17, sa unranked list na dominado ng 20 babae.

Ayon sa Time, tinukoy nito ang 25 pinakamaimpluwensiyang teenagers sa pagsusuri sa kanilang social media following, tagumpay sa kinabibilangang larangan at kahalagahan sa kultura.

Pinakabata sa tala si Sasha Obama at ang kapwa niya 13-anyos na si Mo’ne Davis, ang pitching sensation na nanguna sa kanyang Philadelphia boys’ baseball team sa Little League World Series at itinampok pa sa cover ng Sports Illustrated magazine.

Tinukoy si Tavi Gevinson, ang 18-anyos na fashion writer at nagtatag ng sikat na online magazine na Rookie, bilang simbolo ng contemporary teen sa Internet age, pasok din sa listahan ang 14-anyos na transgender activist na si Jazz Jennings at ang Hong Kong pro-democracy activist na si Joshua Wong, 18 anyos.

Dominant categories ang mga atleta, aktor at singer.

Napabilang din sa taunang Time’s list ang mga aktor na sina Kiernan Shipka, 14, ng Mad Men; Rico Rodriguez, 16, ng Modern Family; at Chloe Grace Moretz, 17, ng The Equalizer.

Gayundin ang pop singers na sina Becky G., 17; Austin Mahone, 18; ang New Zealand pro golfer na si Lydia Ko, 17, at ang 17-anyos na miyembro ng Afghan National Cycling Team na si Salma Kakar.

Sa murang edad ay tagumpay na sa pagnenegosyo ang 15-anyos na si Erik Finman, nagtatag ng online tutoring site na Botangle.com; ang YouTube fashion star na si Bethany Mota, 18; at ang actress-turned-stockpicker na si Rachel Fox, 18.

Kilala naman ang Irish trio na sina Ciara Judge, 16; Emer Hickey, 17; at Sophie Healy-Thow, 17, sa pagtuklas nila ng bacteria na nag-iimbak sa lupa ng nitrogen mula sa hangin.

Kinilala naman sa listahan si Jaden Smith, 16, anak ng mga aktor na sina Will Smith at Jada Pinkett Smith, dahil sa kanyang acting at Twitter following, habang tinukoy naman ang mabilis na pagsikat sa Hollywood at merchandising careers ng magkapatid na reality TV stars na sina Kendall Jenner, 18; at Kylie Jenner, 17 anyos.

Previous Post

P1.4-B shabu nasasam sa 2 pusher

Next Post

4 patay sa massacre sa Cavite

Next Post

4 patay sa massacre sa Cavite

Broom Broom Balita

  • MARINA: CDO, inilabas na vs kumpanyang may-ari ng MT Princess Empress
  • Mayor Degamo, nagpadala ng sulat sa Kamara bilang panawagang i-expel si Teves
  • 30 Pinoy, kasama sa mga apektado sa gumuhong gusali sa Qatar
  • Mga lalabag sa exclusive motorcycle lane sa QC, huhulihin na sa Marso 27
  • Mga guro, bibigyan ng mas mataas na honoraria — Comelec
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.