• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Robin Padilla, dinadagsa ng fans sa taping ng ‘Talentadong Pinoy’

Balita Online by Balita Online
June 23, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mariel-Robin_REGGEE-copy-550x515

ALIGAGA pala ang mga guwardiya sa TV5 tuwing may taping ang Talentadong Pinoy dahil sobrang haba ng pila ng mga taong gustong manood at makita nang personal si Robin Padilla.

Tsika ng guwardiya ng TV5 sa amin” “Parang ‘yung show ni Willie Revillame dati, daming gustong manood kaya sobrang higpit po kami.”

Kaya pala nu’ng may susunduin kami sa TV5, kinse minutos kami pinaghintay sa gate dahil kailangan daw munang hurningi ng pahintulot sa EP ng programa kung kilala kami at hurningi rin naman ng pasensiya ang mga guwardiya.

Sumilip kami sa taping ng Talentadong Pinoy na tapos na pala that time ang taping at nakakaloka, nahirapan kaming matsika si Robin. Andami-dami kasing nagpapa-picture sa kanya sa stage at pati production staff nakiki-picture rin.

“Naku, tuwing taping ganyan, kaya hindi kami makaalis kaagad kasi siyempre kailangan naming i-check lahat at hindi rin namin puwedeng iwan si Robin,” sabi ng business unit head ng TP na si Mr. Anthony Pastorfide.

“Nakakatuwa kasi punung-puno lagi, kita mo naman, nasa gilid na ‘yung iba, maraming hindi pa nakapasok, ang daming fans ni Robin,” nakangiting kuwento ng bossing ng programa.

Nakapunta rin kami sa TP noong si Ryan Agoncillo pa ang host pero hindi naman ganito karami ang fans na dumarating sa set. Hindi rin inaabot ng isang oras ang piktyuran.

“Ah, kasi that time nagmamadali si Ryan, may lakad pa yata, but in fairness naman to Ryan, lahat naman pinagbibigyan niya, okay si Ryan,” paliwanag ng TV executive.

Pinansin namin kung bakit pati production staff ay nagpapapicture kay Binoe, e, linggu-linggo naman nilang kasama?

“Oo nga, masaya sila, actually, masaya lahat, masaya ang show, kita mo naman, di ba? Pati audience kita mo, lahat tumatayo. Nakakatuwa si Robin, iba ang karisma sa tao,” sabi ni Mr. Pastorfide.

Ikalawang season na ang Talentadong Pinoy na mapapanood ngayong gabi sa TV5, may season three pa ba?

Inginuso kami ng TV5 executive kay Robin dahil mukhang two seasons lang ang usapan nina Binoe at Ms. Wilma Galvante.

Mapapanood ngayong sabi sa Talentadong Pinoy ang palengke invasion episode, sa Farmer’s Market naman sila naghanap ng contestants na magpapakita ng kakaibang talento kasama ang talent scouts na sina Eula Caballero, Jessa Zaragoza at Bayani Agbayani.

Saktong December 13 (Sabado) ang finals ng season 2 at busy na si Robin sa promo ng Bonifacio dahil ipapalabas ito sa December 25.

Samantala, si Mariel Rodriguez ay lilipad naman papuntang Amerika ng December 16 kasama ang lolo’t lola para dalawin ang kanyang amang matagal nang naninirahan doon.

Hindi magkasama sina Robin at Mariel sa Pasko at Bagong Taon dahil Pebrero na babalik ang asawa ng aktor.

Okay lang naman kay Robin na hindi sila magkasama ng asawa dahil, “Panatag ang loob ko kasi kasama naman niya ang pamilya niya. Ako naman kasama ko mga anak ko dito. Saka busy month ang December,” say ng action star.

Tags: Eula Caballerojessa zaragozamariel rodriguezrobin padillaryan agoncilloTalentadong Pinoywillie revillamewilma galvante
Previous Post

OFW nabagsakan ng filing cabinet, patay

Next Post

Purisima, dapat tanggalin na sa PNP—Sen. Miriam

Next Post

Purisima, dapat tanggalin na sa PNP—Sen. Miriam

Broom Broom Balita

  • Kim Atienza, kumpiyansang mapupunta siya sa langit kapag nategi
  • Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, dating may kasong robbery — PNP chief
  • Gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, natagpuan sa sugar mill ni ex-Gov. Teves
  • Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Pasok sa gov’t offices sa Abril 5, suspendido na! — Malacañang
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.