• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

James at Nadine, magaling magpakilig

Balita Online by Balita Online
July 1, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

James-Nadine_REGGEE-copy

FINALLY, nakapanood kami ng “My App Boyfie” episode ng Wansapanataym noong Sabado dahil malakas ang ulan kaya stay home lang ang drama namin.

Hindi pa kasi kami masyadong solved sa tambalang James Reid at Nadine Ilustre na para sa amin ay copycat lang nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo lalo na sa pelikulang Ang Diary ng Panget na astig-astigan ang papel ng una.
 

Pero bagay naman silang love team, in fairness dahil may kilig naman sa viewers kaya siguro marami na talaga silang supporters.
 
Naaliw naman kami sa napanood naming episode ng “My App Boyfie” dahil may ibang karisma naman si James kumpara kay Daniel kaya marami ring girls na nababaliw sa kanya.
 
Lalo na sa eksenang naglaro siya ng basketball na talagang pinahanga niya ang lahat gayong wala naman dapat siyang pakiramdam dahil robot lang naman siya at may selos factor siya kay Dominique Roque.
 
Hindi sila magsiyota at hindi rin nagliligawan sa tunay na buhay kaya nakakatuwa na malakas ang kilig na ipinararamdam nina James at Nadine. Nasasakyan ng viewers ang pag-arte nila na may ‘something’ sila.
 
Sa madaling salita, magaling silang umarte bilang magsiyota.
 
Ayon sa production, mapapanood naman sa episode bukas at sa Linggo kung paano susubukin ang lalim ng samahan ng mga karakter ng JaDine dahil makararamdam ng selos si Jowa habang napapalapit na si Anika sa ultimate crush nito sa school na si Melvin (Dominique).
 
Sino kaya ang mas pipiliing makasama ni Anika — si Melvin na matagal na niyang crush o ang “app boyfie” niya na si Jowa na nagparamdam sa kanya kung paano magkaroon ng kasintahan?
 
Malamang nito, kahit walang ulan ay stay home uli ang drama namin bukas at sa Linggo para malaman namin ang mangyayari. Me ganu’n? JaDine follower na rin yata kami, he-he….

Tags: Daniel PadillaJames Reidkamikathryn bernardokayamalakasnadine samonte
Previous Post

Arrest warrant vs. Mexican drug cartel member, inilabas na

Next Post

NAPOLEONIC BINAY

Next Post

NAPOLEONIC BINAY

Broom Broom Balita

  • Marcos, lumipad na pa-Japan
  • Neri sa birthday ni Chito Miranda: ‘Because of you, mas masarap mangarap’
  • Toni Fowler, artista na; gaganap na best friend ni Lovi Poe sa ‘Batang Quiapo’
  • 47-anyos na lalaki, arestado dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril, pampasabog
  • Lacuna: 935 estudyante ng public schools, nabigyan ng tig-P5K ayuda
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.