• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Anak ni Purisima, dapat ding imbestigahan – VACC

Balita Online by Balita Online
July 1, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hiniling ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Office of the Ombudsman na imbestigahan din ang 21-anyos na anak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan LM Purisima sa imbestigasyon ng katiwalian kung saan isinasangkot ang kanyang ama.

Ito ay matapos magsumite ang VACC ng 3-pahinang supplemental affidavit sa reklamong kriminal na inihain nito noong Setyembre 29 laban sa hepe ng Pambansang Pulisya.

Iginiit ni VACC Chairman Dante Jimenez na dapat ding imbestigahan si Rainier Von Purisima upang madetermina kung paano ito nakapagpatayo ng isang poultry farm sa Nueva Ecija na nagkakahalaga ng P90 milyon.

Naniniwala si Jimenez na walang kakayahan si Rainier na makabili ng mga modernong pasilidad para sa poultry farm at malaki ang posibilidad na ginagamit lamang ito bilang isang “dummy” upang maitago ng PNP chief ang kuwestiyunableng yaman nito.

Hiniling din ng pinuno ng VACC sa Ombudsman na isailalim sa preventive suspension si Purisima upang hindi maimpluwensiyahan ng kanyang posisyon ang resulta ng imbestigasyon.

Hiniling din ng grupo na imbestigahan ang mga kontratista na nagkumpuni ng kontrobersiyal na “White House,” ang opisyal na tahanan ng PNP chief sa loob ng Camp Crame, Quezon City dahil sa pagkikipagkutsabahan umano ng mga ito sa katiwalian.

Dapat din aniyang sampahan ng kasong katiwalian ang mga opisyal ng San Leonardo Assessors dahil sa umano’y pamemeke ng sertipikasyon na walang real estate properties si Purisima sa munisipalidad. – Jun Ramirez

Tags: Anaknueva ecijaOfficePNPpurisimavacc
Previous Post

NAPOLEONIC BINAY

Next Post

Keifer, target ang Finals MVP sa UAAP

Next Post

Keifer, target ang Finals MVP sa UAAP

Broom Broom Balita

  • ‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad
  • PRRD sa pagbibitiw ni VP Sara sa Lakas-CMD: ‘More to it than meets the eye’
  • Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’
  • PBBM, target ang 97.5% rice sufficiency sa 2028
  • Kauna-unahang high-powered hybrid rocket sa bansa, pinalipad ng student researchers mula sa Cebu!
‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad

‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad

June 1, 2023
Auto Draft

PRRD sa pagbibitiw ni VP Sara sa Lakas-CMD: ‘More to it than meets the eye’

June 1, 2023
Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’

Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’

June 1, 2023
Auto Draft

PBBM, target ang 97.5% rice sufficiency sa 2028

June 1, 2023
Kauna-unahang high-powered hybrid rocket sa bansa, pinalipad ng student researchers mula sa Cebu!

Kauna-unahang high-powered hybrid rocket sa bansa, pinalipad ng student researchers mula sa Cebu!

June 1, 2023
Ex-Nueva Ecija Rep. Antonino, absuwelto sa graft, malversation case

Ex-Nueva Ecija Rep. Antonino, absuwelto sa graft, malversation case

June 1, 2023
Ice Seguerra sa TVJ: ‘Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya’

Ice Seguerra sa TVJ: ‘Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya’

June 1, 2023
PH red Cross, lumampas na sa target sa national COVID-19 vaccination drive

Higit 27,800 indibidwal, napagkalooban ng libreng medical assistance ng PRC

June 1, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

Japan, pinupuntirya na! ‘Betty’ lumabas na ng bansa

June 1, 2023
Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.

Iba pang hosts ng Eat Bulaga, kumalas na rin sa TAPE, Inc.

June 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.