• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

NAGSALITA NA ANG SAMBAYANAN

Balita Online by Balita Online
June 23, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

balita editorial oct62014

PAGKATAPOS ng Pulse Asiya survey noong nakaraang linggo na nagpakita ng pagtutol ng 62% ng mga mamamayang Pilipino sa mungkahing amiyendahan ang Konstitusyon upang pahintulutan si Pangulong Aquino na muling tumakbo sa panguluhan, hindi na dapat talakayin pa ang Charter Change.

Hindi dapat tanawin iyon ng Pangulo bilang larawan ng kanyang performance. Pagpapahayag lamang iyon ng paghahangad ng mga mamamayan na subukan naman ang iba – gaya ng isang bagong administrasyon. Nagkaroon kasi sila ng di kanais-nais na karanasan sa nakaraang administrasyon na tumagal ng 20 taon, at isa pa na tumagal ng siyam na taon. Kung sumulong ang bansa sa mga panahong iyon, mas nanaisin ng sambayanan ang pagbabago, na subukan naman ang bago – totoong umaasam ang mga Pilipino.

Mainam na rin at nagsalita na ang sambayanang Pilipino ay una nang idineklara ng Pangulo na pakikinggan niya ang kanyang mga “boss.” Hindi kasi magandang tingnan sa kanyang record, kahit pa sa kasaysayan, na pinabago ng Pangulo ang Konstitusyon sa nakikita ng nakararami na sa dahilang makasarili.

Ang ating Konstitusyon ay produkto ng pag-iisip at mga deliberasyon ng isang Constitutional Commission na ang mga miyembro ay itinalaga ni dating Pangulong Corazon C. Aquino. Bahagi nito ang reaksiyon sa 20 taon ng gobyernong diktadurya, kabilang ang siyam na taon ng martial law. May probisyon ito laban sa mga political dynasty. Taglay nito ang mga limitasyon hinggil sa pakikisangkot ng mga banyaga sa mga industriya at media sa Pilipinas. Nilimitahan din nito ang termino ng pangulo sa anim na taon nang walang re-election. Ito at ang iba pang mga probisyon ay may layuning iwasan ang pag-uulit ng dating administrasyon na masyadong tumagal sa panunungkulan.

Kung sa hinaharap ay magkakaroon ng situwasyon kung saan totoong kailangan ang isang bagong Konstitusyon, mas makabubuting magkaroon ng isang Constitutional Convention upang balangkasin iyon, isang espesyal na lupon na halal ng taumbayan para sa espesyal na layunin. Dapat magkaroon ito ng sapat na panahon upang talakayin at pagdebatihan at kalaunan ay magpasya. Dapat itong magkaroon ng mas marangal na hangarin kaysa pahintulutan ang ilang opisyal na patagakin ang kanilang pananatili sa gobyerno o tupdin ang makitid na pansariling interes ng iba.

Tags: constitutional commissionkonstitusyon
Previous Post

600 nawawala pa rin sa pananalasa ng ‘Yolanda’

Next Post

Kylie, marunong mag-appreciate ng blessings

Next Post

Kylie, marunong mag-appreciate ng blessings

Broom Broom Balita

  • Trina Candaza napa-hugot kay LJ Reyes: ‘One day, this pain will be my testimony’
  • Pilipinas, 9 pang bansa sumali sa counter-terrorism exercises sa Cebu
  • Noong una ‘no comment’ pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes
  • RK Bagatsing ‘sinaktan’ si Charo Santos kaya tsugi na raw sa Batang Quiapo
  • ‘Betty’ papalayo na! Warning signal sa 5 lugar sa bansa, aalisin na!
Trina Candaza napa-hugot kay LJ Reyes: ‘One day, this pain will be my testimony’

Trina Candaza napa-hugot kay LJ Reyes: ‘One day, this pain will be my testimony’

May 31, 2023
Pilipinas, 9 pang bansa sumali sa counter-terrorism exercises sa Cebu

Pilipinas, 9 pang bansa sumali sa counter-terrorism exercises sa Cebu

May 31, 2023
Noong una ‘no comment’ pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes

Noong una ‘no comment’ pa: Paolo Contis, masaya para kay LJ Reyes

May 31, 2023
RK Bagatsing ‘sinaktan’ si Charo Santos kaya tsugi na raw sa Batang Quiapo

RK Bagatsing ‘sinaktan’ si Charo Santos kaya tsugi na raw sa Batang Quiapo

May 31, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Betty’ papalayo na! Warning signal sa 5 lugar sa bansa, aalisin na!

May 31, 2023
Hugot ng netizens kay LJ: ‘You will never meet the right man if you stay with the wrong one!’

Hugot ng netizens kay LJ: ‘You will never meet the right man if you stay with the wrong one!’

May 31, 2023
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.