• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Morissette at Angeline, mas maganda ang performance pero tinalo ni KZ Tandingan

Balita Online by Balita Online
June 16, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

KZ-Tandingan

SAYANG at hindi namin inabutan ang performance ni Morissette Amon para sa awiting Akin Ka Na Lang na sinulat ni Kiko Salazar sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo ng gabi, kaya nainggit kami sa kuwento ng mga katoto na naghiyawan ang mga tao sa coliseum sa napakagandang pagkakanta niya. Kaya nang hindi siya nanalo maging ng special award ay dismayado ang mga pumalakpak sa kanya.

Iilan lang ang performers na talagang tinilian ng mga tao tulad nina Michael Pangilinan, Angeline Quinto, Janella Salvador, at Abraf Ebe Dancel.

Nabingi-bingi naman kami nang tawagin na si Daniel Padilla at nang ikutin namin ng paningin ang loob ng Big Borne, halos lahat yata fans ng young actor ang naroon tulad ng Kathniel Dreamers, Kathniel Believers, Daniel Rocks, Danielistaz, KaDreamers, Katniel Buddies, at marami pang iba.

E, nasaan na ang fans ng ibang performers?

Nasa stage na ang iba niyang fans na hapon pa lang ay nag-aabang na kay Daniel, ang interpreter ng Simpleng Tulad Mo na sinulat ni MJ Magno.

Habang kumakanta si DJ ay wala pa ring tigil ang hiyawan ng fans, kasama na ang mga nasa entablado kaya walang tigil ang marshalls sa kapipigil sa mga yumayakap at humahalik sa kanya.

Napakaganda ng pagkakanta ni Angeline sa Hanggang Kailan na sinulat ni Joel Mendoza, pang theme song ang dating, at panalo rin ang gown niya dahillalo siyang pumuti. At ang taray dahil siya lang ang may props na kunwari ay nasa pantalan kaya naka-elevated siya.

Pero ‘yun nga, iba siguro ang gusto ng hurado o ayaw nila siguro ng tumitili-tiling singer kaya hindi rin siya nakakuha ng kahit na anong award.

Pamilyar dahil parati nang naririnig sa radyo ang Pare, Mahal Mo Raw Ako ni Michael Pangilinan na komposisyon ni J oven Tan, pero hindi maganda ang performance ng binata dahil masyado siyang seryoso at blangko ang facial expression. Mas maganda pa ang expression niya sa music video niya.

Naaliw naman kami kay Janella na tunog TVC ng shampoo ang kanta niyang Mahal Kita Pero na sinulat ni Melchora Mabilog.

Gusto rin namin ang performance ni Hazel Faith de la Cruz para sa sariling komposisyong Everything Takes Time, sumasayaw siya habang kumakanta, classy ang dating sa stage, at mahal siya ng kamera dahil ang ganda-ganda niya.

Kabaligtaran naman ang dating ni KZ Tandingan na ikinaloka rin ng mga katabi namin, hindi kasi bagay sa kanya ang cut ng damit niya dahillalo siyang lumiit tingnan bukod pa sa nagmumura ang mga pata niya, as in.

Dati na naming pinansin ang estilo ng pananamit ni KZ na ang katwiran ay nage-experiment daw sila ng stylist niya dahil nga mahirap siyang bihisan. E, susme, isang taon na iyon hindi pa rin matumbok ang tamang bihis ng singer. E, ‘pag ganyan, magpalit na siya ng stylist o magpantalon at blouse na lang siya.

Bakit naman si Angeline na dating baduy manamit, pleasant na ang itsura ngayon?

Anyway, narito ang mga nanalo sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014:

Si KZ Tandingan ang grand prize winner; Second Best Song ang Halik Sa Hangin nina Abra at Ebe Dancel na sinulat ni David Dimaguila, third ang Mahal Kita Pero; fourth ang Walang Basagan ng Trip na sinulat ni Eric de Leon na kinanta nina Jugs and Teddy; at fifth ang Hindi Wala na sinulat ni Nica del Rosario at kinanta ni Juris.

Ang special awards:
Star Cinema Choise Award: Halik sa Hangin
MYX Best Music Video: Mahal Kita Pero
Star Music Choice Award: Bumabalik Ang Nagdaan sinulat ni Sarah Jane Candia at kinanta ni Jessa Zaragoza.
MOR 101.9 Listener’s Choice Award at ABS-CBNmobile Fan Favorite Award: Simpleng Tulad Mo
TFC Choice Award at Star Studio Readers Choice Award: If You Don’t Want to Fall sinulat ni Jude Citamondoc at kinanta ni Jed Madela

Tags: Abraangeline quintoDaniel Padillahanggang kailanjessa zaragoza
Previous Post

Tsitsirya, nais ipagbawal sa Valenzuela City schools

Next Post

Abortion clinic sa bansa, naglipana—Sen. Lapid

Next Post

Abortion clinic sa bansa, naglipana—Sen. Lapid

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.