• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Bea, walang kiyema sa woman on top love scene nila ni Paulo

Balita Online by Balita Online
June 17, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

BEA-Alonzo-ITV

NAKATSIKAHAN namin si Direk Jerome Pobocan sa hallway ng ELJ Building ng ABS-CBN at inalam namin kung sino ang nagdirek ng love scene nina Bea Alonzo at Paulo Avelino napanood noong nakaraang Biyernes sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Napangiti si Direk Jerome at sabay sabing, “ako po” at kaagad namin siyang binati dahil na napakaraming nagandahan sa pagkakakuha ng eksena at alagang-alaga si Bea.

Nagpasalamat din naman kaagad ang direktor sa feedback namin.

May part two ba ang love scene nina Bea at Paulo dahil maraming viewers nga ang nabitin?

“Ha-ha-ha, tingnan po natin, siguro po magkakaroon,” masayang sabi ni Direk Jerome.

Nang banggitin daw ni Direk Jerome kay Bea na kailangang may love scene sila ni Paulo ay hindi naman daw nagreklamo ang magandang aktres.

“Actually, madaling kausap si Bea, she’s very cooperative kasi maraming suggestions, tinanong namin kung okay lang na gawin niya ‘yung ganito o ganyan, sabi niya,’ ay nagawa na namin ni Lloydie (John Lloyd Cruz) ‘yan, Direk’ . So para maiba naman, sinagest nga namin itong nakapatong siya kay Paulo at sabi nga niya, ‘okay ‘yan, Direk, hindi ko pa nagagawa ‘yan’, so sakto, ganu’n nga ang ‘pinagawa
namin.

“Sobrang saya kasi okay sina Bea at Paulo, walang arte, magaling, isang take lang with different angles,” pahayag ni Direk Jerome.

Bago kami nagpaalam kay Direk Jerome ay inulit namin na dapat ay may part two, “Ha-ha, tingnan po natin,” say niya.

In fairness, inabangan talaga ang nasabing love scene nina Bea at Paulo kaya humataw sa national TV rating (16.6%) kumpara sa nakuha ng pagtatapos ng katapat nitong programa sa GMA (Ang Dalawang Mrs. Real, 15.5%).

Bukod sa national TV ratings, humataw rin ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa social networking sites. Sa Twitter, naging nationwide trending topic ang official hashtag na #SBP AKAlab at worldwide trending
topic naman si Paulo.

Inaabangan ng viewers ang mas maiinit na eksena sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ngayong unti-unti nang nalalantad sa lahat na si Rose (Bea) ay nagpapanggap lamang bilang ang yumaong abogadong si Emmanuelle. Excited ang followers ng serye kung paano haharapin ni Rose ang kanyang pamilya at ang mga taong sumira sa buhay niya.

Samantala, ngayong araw lilipad sina Paulo at Maricar Reyes para sa espesyal na Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional para sa Penafrancia Festival sa Bicol. Ito ay gaganapin sa SM City Naga parking lot, sa ganap na alas kuwatro nang hapon.

Tags: bea alonzojohn lloyd cruzMakatimaricar reyespaulo avelinotwitter
Previous Post

Friendship Route sa mga subdivision, bubuksan

Next Post

P20-M rescue truck, ambulansiya ng MMDA, aarangkada na

Next Post

P20-M rescue truck, ambulansiya ng MMDA, aarangkada na

Broom Broom Balita

  • ₱69M shabu, nasamsam sa Northern Samar
  • Ex-Ginebra player Terry “Plastic Man” Saldaña, patay na!
  • #JakJaKuyas: Kuya Kim, ‘di nagpatalo sa pa-‘pandesal’ nina Jak Roberto at Jayson Gainza
  • Grace Poe tinukso si Chiz Escudero: ‘Love is worth fighting for’
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude-6.1 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.