• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Maguindanao mayor, wanted sa murder

Balita Online by Balita Online
June 17, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

COTABATO CITY – Nagpapatuloy ang manhunt operation ng pulisya para sa pagdakip sa babaeng alkalde ng Shariff Aguak, Maguindanao kasunod ng pagpapalabas ng korte ng arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng isang kasong murder.

Ilang linggo nang wala sa kanyang tanggapan si Mayor Zahara Ampatuan kaya naman itinalaga na ng regional authorities si Vice Mayor Marop Ampatuan bilang acting mayor nitong Setyembre 17, alinsunod sa Local Government Code.

Ang alkalde ay maybahay ni dating Shariff Aguak Mayor Anuar Ampatuan, isa sa mga nakapiit na suspek sa Maguindanao massacre nang paslangin noong Nobyembre 23, 2009 ang 58 katao, kabilang ang 32 mamamahayag sa Sitio Masalay, Barangay Salman sa Ampatuan.

Inilabas ng regional trial court dito ang warrant laban sa alkalde kaugnay ng pagpatay noong Abril 3, 2014 kay Alfredo Amelista, na secretary sa municipal council ng Shariff Aguak.

Bukod kay Ampatuan, kinasuhan din ng murder sina Kanurin Tayuan at Rambo Guiasalam.

Nasorpresa ang maraming sektor, kabilang ang media, sa pagkakadawit ng alkalde sa nasabing kaso dahil iniuulat pa ng mga mamamahayag ang special education project nito na nagkakaloob ng scholarships sa maraming mahihirap na bata, kabilang ang mga kaanak ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). – Ali G. Macabalang

Tags: ampatuanmaguindanaoMaguindanao massacremanilaMayormoro islamic liberation frontShariff Aguak
Previous Post

SALOT SA LIPUNAN

Next Post

Eugene Domingo, nagkarelasyon din sa mas batang lalaki

Next Post

Eugene Domingo, nagkarelasyon din sa mas batang lalaki

Broom Broom Balita

  • Kapuso execs bumisita sa It’s Showtime
  • MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime
  • 20 priority bills, aprub na sa Kamara
  • E.A.T., nag-sorry sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon – MTRCB
  • Bong Go, pinuri gov’t sa pagtanggal ng floating barrier sa Bajo De Masinloc
‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
20 priority bills, aprub na sa Kamara

20 priority bills, aprub na sa Kamara

September 28, 2023
Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.

E.A.T., nag-sorry sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon – MTRCB

September 28, 2023
Bong Go, pinuri gov’t sa pagtanggal ng floating barrier sa Bajo De Masinloc

Bong Go, pinuri gov’t sa pagtanggal ng floating barrier sa Bajo De Masinloc

September 28, 2023
Seguridad sa WPS, tinalakay nina Marcos, Macron — PCO

Seguridad sa WPS, tinalakay nina Marcos, Macron — PCO

September 28, 2023
‘Pava dart,’ namataan sa Masungi Georeserve

‘Pava dart,’ namataan sa Masungi Georeserve

September 28, 2023
Pag-iimprenta ng official ballots para sa pilot automated BSKE, tapos na!

Pag-iimprenta ng official ballots para sa pilot automated BSKE, tapos na!

September 28, 2023
Buwanang pensiyon ng senior citizens, dinoble

₱5.768T national budget para sa 2024, inaprubahan na ng mga kongresista

September 28, 2023
LPA, habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

LPA, habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

September 28, 2023
Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo

Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.