• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Lunar eclipse, posibleng magbunsod ng pagsabog ng Bulkang Mayon

Balita Online by Balita Online
June 17, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni NINO N. LUCES

LEGAZPI CITY, Albay – Posibleng makaapekto ang total lunar eclipse sa Oktubre 8 sa kasalukuyang aktibidad ng Bulkang Mayon—isang bagay na maaaring magbunsod ng pagsabog nito, sinabi kahapon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) resident volcanologist Ed Laguerta.

Sa press briefing kahapon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), ipinaliwanag ni Laguerta na nagdudulot ang lunar eclipse ng gravitational pull sa magma na posibleng lumikha ng pressure sa ilalim ng lupa at magpasigla sa aktibidad ng bulkan na maaaring magresulta sa pagtaas ng dagat o sa tuluyang pagsabog ng bulkan.

Ayon kay Laguerta, 34 na bulkan sa mundo ang nasa estado ng pagsabog, at isa ang Mayon sa mga ito.

Batay sa record ng National Aeronautics and Space Administration (NASA), may nangyaring lunar eclipse bago ang mapaminsalang Plenian eruption noong Pebrero 1, 1814 at 1984.

Samantala, hindi naman tinalakay ng Phivolcs ang tungkol sa mga posibleng epekto ng “red blood moon” o total lunar eclipse o ang paghahanay ng Araw, Buwan at Earth.

Paglilinaw ni Laguerta, isa lamang ito sa ilang factor na maaaring magbunsod ng pagsabog ng Bulkang Mayon, at tinututukan pa rin ng Phivolcs ang mga naitala ng kanilang mga equipment para masabing sasabog na nga ang bulkan.

Tags: albaybulkang mayonlegazpi albaymayon volcanophilippine institute of volcanology and seismologyseismology
Previous Post

Jodi, gaganap na bagong Amor Powers

Next Post

SALOT SA LIPUNAN

Next Post

SALOT SA LIPUNAN

Broom Broom Balita

  • Bulkang Mayon, nagbuga pa rin ng mga bato
  • Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte ‘di na kailangan — Garcia
  • ₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama
  • Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO
  • Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!
‘Di pa kumakalma! Bulkang Mayon, nakapagtala pa ng 147 rockfall events

Bulkang Mayon, nagbuga pa rin ng mga bato

September 28, 2023
(Manila Bulletin File Photo)

Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte ‘di na kailangan — Garcia

September 28, 2023
₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama

₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama

September 27, 2023
Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO

Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO

September 27, 2023
Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!

Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!

September 27, 2023
Mga miyembro ng Socorro group, ‘di tatanggalin sa 4Ps — DSWD

Mga miyembro ng Socorro group, ‘di tatanggalin sa 4Ps — DSWD

September 27, 2023
Carla bet mapasama sa ‘Batang Quiapo’; wala pang kontrata sa GMA

Carla bet mapasama sa ‘Batang Quiapo’; wala pang kontrata sa GMA

September 27, 2023
₱224,000 ‘hot’ lumber, kumpiskado sa Romblon

₱224,000 ‘hot’ lumber, kumpiskado sa Romblon

September 27, 2023
Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

September 27, 2023
TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.