• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

St. Benilde, Jose Rizal, patatatagin ang kapit sa ikatlong puwesto

Balita Online by Balita Online
June 17, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)
12 p.m. Letran vs St. Benilde (jrs/srs)
4 p.m. JRU vs San Sebastian (srs/jrs)

Mapatatag ang kanilang kapit sa ikatlong posisyon na magpapalakas sa kanilang tsansa na makapasok sa Final Four ang kapwa tatangkain ng season host Jose Rizal University (JRU) at College of St. Benilde (CSB) sa pagpapatuloy ngayon ng ikalawang round ng NCAA Season 90 basketball tournament.

Unang sasabak ang Blazers kontra sa Knights sa seniors game sa ganap na alas-2:00 ng hapon bago ang bakbakan ng Heavy Bombers laban sa San Sebastian College (SSC) sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Kapwa may barahang 9-5 (panalo-talo) ang JRU at St. Benilde sa likod ng nauna nang semifinalist na San Beda College (SBC), 13-2, at pumapangalawang Arellano University (AU), 11-4. Ang panalo ang magbibigay sa kanila ng dalawang larong kalamangan sa pumapang-apat na University of Perpetual Help na may hawak na 8-6 record.

Nasa solong ikalimang puwesto na taglay ang markang 6-8 (panalo-talo), nasa must win situation naman ang Knights na kailangang walisin ang nalalabing apat na laro sa eliminations, kabilang na ang laban nila sa Blazers upang panatilihing buhay ang tsansang makahabol sa huling slot sa Final Four round.

Ngunit kung mabibigo sila, ang Altas na lamang ang may nalalabing pag-asa na makahabol pa sa susunod na round.

Galing sa nakapanlulumong pagkabigo sa kamay ng San Beda sa kanilang nakaraang laro, pilit na babawi ang Knights, gayundin sa kanilang nalasap na 71-85 pagkatalo sa Blazers noong nakaraang Hulyo 21 sa unang round.

Wala na sa kontensiyon para sa Final Four, hahabol na lamang ang Stags upang putulin ang napakahaba nilang losing skid na umabot na sa 10 laban at muling ulitin ang kanilang naitalang 88-81 panalo kontra sa JRU noong Hulyo 2 sa first round ng eliminations.

Tags: arellano universitysan beda college
Previous Post

Misteryosong sakit tumama sa Colombia

Next Post

Tamang pasahod sa mga Pinoy sa US, sinegurado

Next Post

Tamang pasahod sa mga Pinoy sa US, sinegurado

Broom Broom Balita

  • Netizen, nanawagan ng tulong para sa operasyon sa puso ng ‘visually impaired’ na ina
  • Estudyante, patay nang tangkaing iligtas ang mga nalulunod na pinsan sa ilog
  • ‘Sorry Rapunzel, iksi ng buhok mo!’ Vice Ganda, flinex kasweetan ni Ion
  • Pope Francis, nakatakdang ma-discharge sa ospital sa Sabado
  • Madam Inutz, bet banggain sina Rosmar, Glenda
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.