• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Philharbor, nakikiramay sa pamilya ng mga namatay sa Maharlika tragedy

Balita Online by Balita Online
June 17, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakikiramay ang pamunuan ng Philharbor Ferries & Port Services, Inc. (Philharbor), ang operator ng M/V Maharlika 2, sa mga pamilya ng mga namatay sa paglubog ng nasabing barko noong Setyembre 13, 2014.

Tiniyak ng pamunuan na simula pa lang ng aksidente ay nagpaabot na sila ng tulong pinansiyal sa mga survivor, at pamilya ng mga namatay para sa transportasyon, gastusing medikal at pagpapalibing.

Nagpasalamat din ang Philharbor sa mabilis na search-and-rescue operation kaya mas marami ang nailigtas.

Kabilang, anila, sa mga unang rumesponde ang kanilang Maharlika 4, iba pang barko at bangkang pangisda, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy, mga lokal na pamahalaan at mula sa pribadong sektor.

Siniguro rin ng Philharbor na patuloy ang imbestigasyon sa insidente at hindi, anila, ititigil ito hanggang hindi nareresolba ang lahat ng usapin sa trahedya.

Matatandaang patungo sa Liloan, Leyte, mula sa Lipata, Surigao ang MV/Maharlika 2 dakong 11:30 ng umaga nang lumubog ito, lulan ang 81 pasahero at 32 crew members o kabuuang 113 katao at mga rolling cargo.

May clearance rin umano sa PCG ang paglalayag ng naturang barko, pero sinalpok ito ng malalaking alon.

Inihayag din ng Philharbor na ang lumubog na barko ay kayang magsakay ng 403 katao, at kasya ang 12 six-wheeler truck o mga pampasaherong bus at limang kotse.

Tags: jejomar binayleytephilippine coast guardphilippine navysurigao
Previous Post

Vilma, Lovi, Cherie, Irma, Rustien, at LT bakbakan sa Best Actress sa 11th Golden Screen Awards

Next Post

Boracay, apektado ng travel ban

Next Post

Boracay, apektado ng travel ban

Broom Broom Balita

  • Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda
  • Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando
  • 2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga
  • ‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

September 22, 2023
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

September 22, 2023
Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

September 22, 2023
Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

September 22, 2023
Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

September 22, 2023
BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.