• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Perpetual, Jose Rizal, magkakagitgitan upang masolo ang ikatlong puwesto

Balita Online by Balita Online
June 23, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)
12 p.m. Mapua vs Lyceum Urs/srs)
4 p.m. Perpetual Help vs JRU (srs/jrs)

Solong ikatlong puwesto na magpapalakas sa kanilang kampanya upang makausad sa Final Four round ang pag-aagawan ngayon ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) at season host Jose Rizal University (JRU) sa kanilang muling pagtutuos ngayon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 90 basketball tournament.

Sa ganap na alas-4:00 ng hapon magtatagpo ang landas ng Altas at ng Heavy Bombers para sa seniors match kasunod sa unang laban sa pagitan ng magkapitbahay na Mapua at Lyceum of the Philippines University (LPU) sa ganap na alas-2:00 ng hapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Kahit ang panandaliang brownout sa venue ay hindi nakapigil sa pagratsada ng Altas sa kanilang ikatlong sunod na panalo makaraang bawian ang Arellano University (AU) sa nakaraan nilang laro, 101-86.

Matapos namang mabigo sa kanilang unang laro sa second round, bumalikwas at nagposte ng back-to-back wins ang Heavy Bombers upang sumalo sa Altas sa third spot na kapwa taglay ang barahang 8-4 (panalo-talo) kasunod sa mga namumunong San Beda (9-2) at Arellano (9-3).

“Panibagong pagsubok na naman ito sa amino Pero at least ngayon kahit paano, me nakukuha na silang suporta galing sa teammates nila. Sabi ko naman kasi doon sa ibang mga player ko, huwag nilang sayan gin iyong pagkakataon kapag ipinasok sila, kasi kaya nga sila nandito sa team ay dahil alam kong kaya nilang maglaro,” pahayag ng beteranong coach ng Altas na si Aric del Rosario.

“Mahirap na kalaban ang Perpetual kasi ang lakas nila. Iyong panalo nga namin sa kanila sa first round ay talagang suwerte lang eh,” ayon naman kay JRU coach Vergel Meneses. Gaya ng dati, muling aasahan ni Del Rosario ang kanyang 1-2-3 punch na sina “Triple Doule Machine” Scottie Thompson, PBA bound na sina Harold Arboleda at Juneric Baloria, kasama ang dalawa pang starters na sina Justine Alano at Joel Jolangcob.

Maliban sa kanila, nariyan din ang iba pa nilang reliables na galing sa bench na kinabibilangan nina Gerald Dizon, rookies Ric Gallardo at Gab Dagangon, Kevi Oliveria, Nestor Bantayan at GJ Ylagan.

Sa kabilang dako, tiyak namang hindi magpapasapaw para muling maipanalo ang JRU sina Philip Paniamogan, Michael Mabulac, Tey Teodoro, Abdil Wahab Abdul Razak, Jaycee Asuncion, Dave Sanchez at Gio Lasquety.

Samantala, makaangat mula sa pagkakabuhol nila ng Letran sa ikalimang puwesto para patuloy na buhayin ang tsansa nila na makahabol sa huling Final Four slot ang tatangkain ng Lyceum Pirates sa muli nilang pagsagupa sa talsik nang Mapua Cardinals.

Tags: arellano universityAric del RosarioFilOil Flying V Arenalyceum of the philippines universityuniversity of perpetual help system daltavergel meneses
Previous Post

Tax exemption sa bonus, kinontra ng BIR chief

Next Post

Bustos Dam, sapat na ang tubig

Next Post

Bustos Dam, sapat na ang tubig

Broom Broom Balita

  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
  • Patawa raw? Netizens, kinuyog ang ‘Outstanding Comedian of the Year’ award ni Juliana Parizcova
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.