• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

PAMBANSANG PHOTOBOMB

Balita Online by Balita Online
June 18, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kung hindi ka taga-Manila ngunit naaalala mo ang bantayog ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, may itinatayong 46-palapag na condominium unit sa di kalayuan sa sa likuran ng naturang pambansang atraksiyon. Kung sa pamamasyal mo sa Luneta noon – na pinangalanang Rizal Park ngayon – malamang natanaw mo ang magarang bantayog ng Pambansang Bayani at ang bughaw na kalangitan bilang background nito. Hindi ba angkop na pagluluwalhati iyon sa isang nag-alay ng sarili para sa bayan? Dinarayo iyon ng maraming turista at malamang din na nagpapakuha pa ng larawan. Ngayong may gusali na roon sa background, parang sisimangot ka na at tatamaring kumuha ng larawan – unless na magaling kang mag-photoshop, burahin ang gusali at ibalik mo ang bughaw na kalangitan.

Ang gusaling itinatayo roon na tinatawag na Torre de Manila ay nasa line of sight mismo ng bantayog ni Dr. Rizal. Para sa akin, napakapangit na background iyon para sa bantayog ng isang taong iniidolo sa buong mundo. Wala na ang bughaw na kalangitan na nag-iiba-iba ng kulay depende sa lagay ng panahon. Kaya tinawag iyon na “Terror de Manila” at “Pambansang Photobomb” ng mga netizen. Hay… Sorry na lang kay Dr. Rizal… Nalambungan ng kongkreto at bakal ang kanyang kaluwalhatian.

Dahil nga tinawag iyong Pambansang Photobomb, malamang na puntahan pa rin ng mga banyaga at lokal na turista ang bantayog ni Dr. Rizal, at kunan ito ng larawan at ipakita sa kanilang mga kaibigan sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang bansa. Kakaiba kasi ang naging pasya ng mga kinauukulan – ang magtayo ng istruktura bilang background ng isang national landmark. Natitiyak ko rin na mayroong sapat at matalinong dahilan kung bakit pinahintulutan ang pagtatayo ng malaking istrukturang nakasira ng ganda ng isang historical landmark.

Sana may mangyari sa rekomendasyon ni Sen. Pia Cayetano na gibain o bawasan ang taas ng istruktura dahil mayroong paglabag dito, aniya. Pero mas mainam na alisin na lamang upang maging buo ang himpapawirin sa likuran ng monumento ni Dr. Rizal. Natitiyak kong sasang-ayunan ito ng magigiting na pinuno ng Manila, upang hindi na idaan sa photoshop ang nakunang photobomb sa Rizal Monument. Igalang natin ang ating Pambansang Bayani, ibalik ang kanyang luwalhati.

Tags: manilapia cayetanorizalrizal monumentrizal park
Previous Post

6 sa PCG sa pamamaril sa Taiwanese fisherman: Not guilty

Next Post

Pacquiao, mas matinding kalaban kaysa kay Mayweather —Garcia

Next Post

Pacquiao, mas matinding kalaban kaysa kay Mayweather —Garcia

Broom Broom Balita

  • Miyembro ng isang gang, nasamsaman ₱680K halaga ng ‘shabu’ sa Angeles City
  • Bulkang Anak Krakatoa sa Indonesia, sumabog, nagluwa ng malaking tore ng abo
  • Publiko, pinag-iingat ng DOH sa mga patok at matatamis na inumin ngayong tag-init
  • ICC, ibinasura ang apela ng ‘Pinas na suspendihin ang imbestigasyon sa drug war
  • Nawawalang teacher intern sa Catbalogan, natagpuang buhay matapos ang 5 araw na paghahanap
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.