• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

JURIS, IBA NA ANG BOSES

Balita Online by Balita Online
June 23, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Juris

Ang iba pang mga entry sa ‘Himig Handog’

KARUGTONG ito ng sinulat namin kahapon tungkol sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Setyembre 28.

Panalo ang suot na black long gown ni Angeline Quinto sa music video niyang Hanggang Kailan na sinulat ni Joel Mendoza na nasa tuktok siya ng isang building at ang ganda ng shot, parang pelikula.

Base sa lyrics ng Hanggang Kailan, kinukuwestiyon ni Angeline kung bakit siya iniwan ng boyfriend niya na akala niya ay habang buhay na niyang makakasama. Pero nang bumalik ito ng bansa ay hindi na “sila” dahil may iba na itong mahal.

Maganda ang lyrics ng Hanggang Kailan, pero walang bago sa melody dahil ganito rin halos ang tono ng mga awiting dati na nating naririnig, kaya walang recall.

At napakaraming beses nang ginamit ng titulong Hanggang Kailan, tulad ng awitin ng Orange and Lemons, Hanggang Kailan ni Sarah Geronimo na theme song ng My Husband’s Lover, Hanggang Kailan ni Rannie Raymundo, Hanggang Kailan rap song ng Flick One Janelle at Hanggang Kailan ni Martin Nievera.

Type namin ang lyrics ng Mahal Ko o Mahal Ako na sinulat ni Edwin Marollano at in-interpret ni KZ Tandingan dahil litung-lito ang babae kung sino ang pipiliin niya, ang taong mahal siya o ang mahal niya.

Kaya lang parang hindi si KZ ang kumanta dahil hindi suwabe ang timbre ng boses niya kumpara sa ibang mga jazzy na kinakanta niya at higit sa lahat, hindi rin namin nagustuhan ang music video na parang may pictorial session ang dalawang guy na todo emote habang napapagitnaan ang singer.

Akmang-akma kay Bugoy Drillon ang awiting Umiiyak ang Puso na sinulat ni Rolando Azor. Katitulo nga lang ito ng kanta nina April Boy Regino, Paulette at Angeline Quinto.

Kuwento ng lalaking akala’y mahal siya ng babaeng pakakasalan, pero pagdating sa simbahan ay runaway bride pala ang drama. Hmmm, hindi kaya si Liezel Garcia ang iniisip ng singer habang inire-record niya ito?

Ang awiting Simpleng Tulad Mo ni Daniel Padilla na sinulat ni MJ Magno ay bagay sa batang aktor dahil ito naman yata talaga ang pangarap niya, ang mahalin at makasama si Kathryn Bernardo sa lahat ng projects at lakad niya.

Okay lang ang music video na halatang estudyante ang gumawa at ang peg ay ang Got To Believe serye na may murals painting pa na kunwari ay sina DJ at Kathryn Bernardo ang nagpipinta na kasama rin sa video. Bukod pa sa kunwari’y hindi makatulog ang batang aktor sa kakaisip sa babaeng minamahal.

Pang-contest talaga ang awiting If You Don’t Want To Fail na sinulat ni Jude Gitamondoc na in-interpret naman ni Jed Madela na aminadong after WCOPA ay ayaw nang sumali sa singing contest.

Madamdamin ang lyrics ng You Don’t Want To Fail na malungkot din ang melody at birit-biritan sa huli.

Hindi namin type ang music video na gawa ng University of Santo Tomas dahil walang gaanong interaksiyon at masyadong ma-drama ang bidang lalaki na pinagod ang sariling ayusin ang venue na dinner table with lots of rose petals ‘tapos susunugin lang pala.

Sumakit siguro ang mga paa ni Juris sa music video niya dahil nakatayo lang habang kanta nang kanta sa awiting Hindi Wala na sinulat ni Nica del Rosario.

May dating din ang lyrics ng kanta, pero parang hindi si Juris ang kumanta dahil masakit sa tenga ang timbre ng boses, o nasanay lang kami sa malambing na boses ng ex-MYMP member?

Hindi kami fan ng rap/R & B songs kaya hindi namin ma-appreciate ang Halik sa Hangin nina Abra at Ebe Dancel na sinulat ni David Dimaguila, pero kung kinanta siguro ito ng hindi pa-rap, e, baka nagustuhan namin dahil ang ganda ng lyrics.

Birit-biritan din ang tema ng Dito ni Jovit Baldivino na sinulat nina Raizo Chabeldin at Blv de Vera na wala ring bago ang tono para sa amin.

Cute sa screen at personal ang kumanta at nagsulat ng Everything Takes Time na si Hazel Faith de la Cruz na ang kuwento base sa music video ay nagmamadaling magdalaga ang isang batang babae na cute naman din. Masaya ang tono ng kanta ng dalagang kasama pala sa Be Careful With My Heart bilang flight attendant bestfriend ni Jodi Sta. Maria. Sana mabigyan siya ng chance.

‘Wow ang ganda’ ang nasabi ng lahat sa misis ni Dingdong Avanzado na si Jessa Zaragosa sa music video niya sa awiting Bumabalik ang Nagdaan na sinulat ni Sarah Jane Gandia dahil parang dalaga pa ang peg.

Sino ang mag-aakalang may sampung taong gulang na anak na si Jessa kung ibabase mo sa music video at panalo ang bath tub scene, ‘yun nga lang, puro close-up ang kuha, pang-TV lang ba ito? Sana gumamit naman ng long shot o full frame. Sayang, ang ganda pa naman dahil glossy ang dating.

Isa pang birit-biritan din ang awiting Akin Ka Na Lang na kinanta ni Morissette Amon na sinulat ni Kiko Salazar na sa totoo lang, wala ring recall sa amin dahil siguro iisa na tono para sa amin.

Tulad ng mga nakaraang Himig Handog, bukod sa grand prize ay may mga special awards na ibibigay para sa mga song finalist na pinili ng taumbayan. Maaaring suportahan ng fans ang favorite song entries at interpreter’s nila sa iba’t ibang paraan.

Bumoto sa MOR 101.9 para sa “MOR’s Choice” sa pamamagitan ng pag-text ng MORHHSONG sa 2331, sa Himighandog.abs-cbn.com para sa ‘Online Choice for Favorite Interpreter,” sa TFC.tv para sa “TFC Choice,” sa pagbili ng September issue ng Starstudio Magazine para sa“Starstudio’s Choice,” at sa pamamagitan mismo ng album para sa “Star Records Listeners’ Choice.”

Mabibili na ang CD sa mga record store sa buong bansa sa halagang P299 lamang. Maaari na ring mag-download ng “Himig Handog” tracks sa halagang P25.00 bawat isa.

Bukod sa Himig Handog P-Pop Love Songs CD, tampok rin ang 15 finalist songs sa mga music video na nilikha ng mga mga estudyante ng ilan sa mga pinakaprestiyosong unibersidad sa Pilipinas kabilang ang University of the Philippines, University of Santo Tomas, Ateneo De Manila University, DLSU-College of Saint Benilde, Colegio de San Juan de Letran, Far Eastern University, Adamson University, University of the East, San Beda College-Alabang, San Sebastian College, Mapua Institute of Technology, MINT (Meridian International) College, Polytechnic University of the Philippines, St. Paul University, at Miriam College. Mapapanood ang “Himig Handog” music videos sa MYX SkyCable channel 23.

Kaya sa mga gustong mapanood ng personal ang Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 contestants ay sabay-sabay pumunta sa Smart Araneta Coliseum sa Setyembre 28 ganap na 7:30 PM.

Tags: angeline quintocolegio de san juan de letranhanggang kailanphilippinesuniversity of santo tomas
Previous Post

MNLF, ‘di kailanman susuporta sa ISIS

Next Post

Ilang lugar sa Samar, Masbate, positibo sa red tide

Next Post

Ilang lugar sa Samar, Masbate, positibo sa red tide

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.