• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

San Beda, babawian ang College of St. Benilde

Balita Online by Balita Online
June 30, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mga laro ngayon (Fil-Oil Flying V Arena):
12:15 p.m. — San Beda vs. St. Benilde (jrs/srs)

Payback time!

Ganito ang battelcry ng defendng champion San Beda College sa kanilang muling pakikipagtuos sa College of St. Benilde sa nag-iisang laro ngayong hapon sa seniors division sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 90 men’s basketball tournament sa FiL-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Kasalukuyang nasa liderato taglay ang barahang 9-2, panalo-talo, kasalo ang Arellano University, itataya din ng Red Lions ang kanilang pangingibabaw sa isa sa dalawang koponan na tumalo sa kanila noong first round.

Hangad ng Red Lions ni coach Boyet Fernandez na maipaghiganti ang unang kabiguan na nalasap ngayong taon sa muli nilang pagtutuos ng Blazers ngayong alas-2 ng hapon.

Sisikapin nilang makabawi sa nalasap na 76-83 na kabiguan sa kamay ng St. Benilde noong Hulyo 28 at dugtungan ang naitalang unang dalawang tagumpay ngayong second round ng elimination.

Ngunit malaking kuwestiyon kung magagawa ngang bumawi ng Red Lions lalo pa’t ang kanilang sasagupain ay isang koponang napakataas din ang morale matapos magtala ng tatlong sunod na tagumpay mula ng huling laro nila noong first round.

Inaasahang magtatagisan ng kanilang talento ang pro-bound players ng magkabilang team na sina Kyle Pascual at ang Semerad twins na sina David at Anthony para sa Red Lions at Paolo Taha at Mark Romero naman para sa Blazers.

Tiyak ding babawi sa larong ito si Ola Adeogun kasama ng iba pang key players ng team na sina Baser Amer at Arthur de la Cruz.

Sa panig naman ng Blazers, kabilang naman sa pagkukunang suporta nina Taha at Romero sina Jonathan Grey,Roberto Bartolo, Luis Sinco,Jeffrey Ongteco at Pons Saavedra.

Tags: arellano universityBoyet Fernandezsan bedasan beda college
Previous Post

PNoy vs. Noli de Castro: Round 2

Next Post

Tax incentives sa employer ng ex-convicts

Next Post

Tax incentives sa employer ng ex-convicts

Broom Broom Balita

  • Big-time rollback sa presyo ng LPG, ipinatupad ngayong Abril 1
  • Netizen, nanawagan ng tulong para sa operasyon sa puso ng ‘visually impaired’ na ina
  • Estudyante, patay nang tangkaing iligtas ang mga nalulunod na pinsan sa ilog
  • ‘Sorry Rapunzel, iksi ng buhok mo!’ Vice Ganda, flinex kasweetan ni Ion
  • Pope Francis, nakatakdang ma-discharge sa ospital sa Sabado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.