• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Mommy Divine, nagsalita na tungkol sa lovelife ni Sarah

Balita Online by Balita Online
July 6, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

SARAH Geronimo

NAGSALITA na ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine kaugnay sa madalas na nasusulat at sinasabing kontrabida siya sa love life ng kanyang anak.

Kahit lampas na sa hustong gulang si Sarah ay patuloy pa raw kasi ang pagbabantay ni Mommy Divine na parang minor pa rin si Sarah. Pero ayon kay Mommy Divine, sa interview sa kanya ni Bianca Gonzales sa programang Cinema News sa Cinema One, may mga sariling panuntunan daw sila sa buhay at iyon ang pinaiiral sa samahan nilang mag-iina.

“Hinding-hindi namin gagawin na sabihin sa kanya na, ‘Ito ang gusto ko para sa iyo’. Hindi. .. ayaw namin ng ganu’n. Pinapayuhan namin siya. Sasabihin namin, ‘ Anak, ganito … ganyan siya. Pero kung ano’ng gusto mo ay ikaw pa rin ang masusunod.’ Desisyon pa rin niya,” sabi ni Mommy Divine.

Sinabi rin ng ina ni Sarah na lagi niyang sinasabi kay Sarah na dapat ay lalaking masasandalan niya habang buhay ang piliin niya. Hindi raw dapat pairalin ni Sarah ang puro emosyon. Banggit pa ni Mommy Divine, ang pisikal na kaanyuan o ang kaguwapuhan ng isang lalaki ay pakunsuwelo na lang.

“Emotionally ay matuturuan siya kung saan talaga dadalhin ang emosyon, para sa ikabubuti ang emosyon. Hindi ‘yung puro emosyon na lang,” banggit pa ni Mommy Divine.

Samantala, mukhang hindi naman apektado sina Sarah at Matteo Guidicelli sa mga lumalabas na pang-iintriga sa relasyon nila. Tinatawanan nga lang daw ng dalawa ang mga nababasang isyu sa kanila.

May binanggit pa ang source namin na kahit may mga kumukuha ng picture sa dalawa habang nakaakbay si Sarah kay Matteo at inaayos pa ng pop princess ang buhok at ang polo ng boyfriend niya ay hinahayaan lang nila ang mga ito.

Tags: lovelifeMommy Divinephilippinespop princesssarah geronimoSarah kay Matteo
Previous Post

Hulascope – August 26, 2014

Next Post

Coach Guiao, naniniwalang mananatili sa RoS si Paul Lee

Next Post

Coach Guiao, naniniwalang mananatili sa RoS si Paul Lee

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.