• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Walang problema sa amin ni Kris… ako si Pugo, siya si Patsy – Herbert

Balita Online by Balita Online
July 7, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Herbert-Bautista

ANG saya-saya ng mga katotong nagdiwang ng kanilang kaarawan simula Enero hanggang Setyembre dahil nag-treat sa kanila si Quezon City Mayor Herbert Bautista ng lunch sa Vera-Perez Garden kahapon.

May kanya-kanyang mesa na nakalaan para sa bawat grupo sa bawat buwan na isa-isang nilapitan lahat ni Bistek para magpa-picture, kasabay na rin ng pag-blow ng candles sa cake.

Bihirang makatsikahan ng press si Bistek kaya hindi na namin pinakawalan ang pagkakataon. Agad siyang tinanong tungkol sa guesting niya sa Aquino & Abunda Tonight nang humingi siya ng public apology sa ginawa niyang pananampal sa nahuling suspected drug pusher na nakuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P15-M.

Sabi ni Mayor Herbert, naging maganda ang resulta ng guesting niya sa programa nina Boy Abunda at Kris Aquino dahil naipaliwanag nang maayos ang nangyari, at dahil naniniwala siya na iba naman ang market na nanonood sa A&A.

“I know na ‘yung market ng nanonood ng A&A is different from Tunying (Tapatan ni Tunying ni Anthony Taberna) and DZMM. Kaya rin ako nag-guest doon para ipaliwanag kung bakit ko ginawa ‘yun sa drug pusher,” kuwento ni Mayor Herbert.

Nag-iisa that night si Kris dahil maysakit si Kuya Boy, kaya tinanong si Herbert kung hindi ba siya nailang na ang ex-girlfriend niya ang nag-interbyu sa kanya.

“Wala namang problema sa aming dalawa, even if you gonna watch the entire segment, it’s purely professional,” sagot ni HB.

Napangiti ang actor/pulitiko nang may magbanggit sa sinabi ni Kris na hindi siya marunong manakit ng pisikal kundi feelings lang.

“Ano talaga ng babae ‘yan, punchline talaga, kung baga sina Pugo at Patsy, ako si Pugo, siya si Patsy,” birong sabi ni Herbert.

Marami ang nakakapansin na malaki na ang ipinagbago ngayon ng Queen of All Media, na ayon kay Herbert ay, “Eh, baka marami siyang ginagawa, marami siyang iniisip, maraming plano, maraming lumiligaw-ligaw siguro, di ba? Si Derek (Ramsay),” kaswal na sabi ni Mayor.

Nagseselos ba si Bistek, kaya binanggit niya ang pangalan ni Derek?

“Eh, nababasa ko sa diyaryo, eh,” salag ni Mayor HB.

Sabi namin, bakit niya binanggit kung wala siyang ibig sabihin?

“Wala naman ‘yun, puwede ko rin namang banggitin si James (Yap), ang daming puwedeng banggitin,” katwiran niya.

Samantala, okay na raw ang friendship nila ngayon ni Kris, kaya ibig sabihin ay open na ulit ang komunikasyon nila.

“Once in a while, pero hindi madalas,” say ni Mayor.

Sa ngayon ay walang lovelife si Herbert dahil ang priority niya ay ang mga anak niya, at ang trabaho niya bilang ama ng Quezon City.

“What happened (nu’ng sila ni Kris) was an eye opener talaga for my kids, I prayed that they’ll become stronger because of that experience,” sabi pa niya.

May natutuhan din siya sa naging relasyon nila ni Kris.

“Ano, eh, no matter what, maliit lang ang mundo na ginagalawan natin. She belongs to a political family, I grew up in public service, magbabarkada naman kami lahat, sina Junjun (Binay), ‘kita-kita kami, maliit lang ang mundo.

“If we go to the other side of the world, maliit din ang mundo, and our children are growing up, they could be friends, they could be co-workers in the future, wala namang problema. Wala akong masamang tinapay sa kahit kanino.

“And I think, she also feels the same way, kaya siguro naging kaibigan din niya si James and I’m looking forward na magkausap-usap din sila nina Kuya Ipe (Phillip Salvador) at saka ni Mayor Joey (Marquez) para okay.

“May nabasa nga ako na, huwag kang manatiling galit dahil ang masasaktan doon ay hindi naman ‘yung taong ikinagagalit mo, kundi ikaw lang. Life is short, eh,” pahayag ni Bistek.

Samantala, may nagtanong na kung may binabalikan si Bistek sa naging ex-girlfriends niya.

“I’m committed to my kids at sa work ko. It’ll be unfair, basta alam n’yo naman ang drama ng buhay ko, eh. I maintain my friendship and my respect to the mothers of my children; I ask for forgiveness if I’ve done something wrong to any one of them,” paliwanag ni HB.

At labis siyang humahanga sa maayos na pagpapalaki ng mga ina sa mga anak niya dahil magagalang at God-fearing.

Pangarap din niyang makasal, pero, “Time does not allow me,” say ni Bistek.

Tags: anthony tabernabistekboy abundadzmmherbert bautistakayako rinkris aquinoPhillip Salvadorquezon citysabi
Previous Post

Zipper lane, binuksan sa motorista

Next Post

Natutulog sa pansitan, sisibakin —NCRPO chief

Next Post

Natutulog sa pansitan, sisibakin —NCRPO chief

Broom Broom Balita

  • Suplay ng monkeypox vaccine, posibleng matanggap ng Pinas sa 2023
  • ‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi
  • Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya
  • BSP, muling nagbabala vs phishing scam
  • Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA
DOH: Deteksyon ng monkeypox sa Pinas, hindi dapat maging sanhi ng pagkaantala ng pagbubukas ng klase

Suplay ng monkeypox vaccine, posibleng matanggap ng Pinas sa 2023

August 10, 2022
‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi

‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi

August 10, 2022
Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya

Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya

August 10, 2022
Utang ng Pilipinas, aabot na sa ₱12.09T — BTr

BSP, muling nagbabala vs phishing scam

August 10, 2022
Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA

Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA

August 10, 2022
‘Pinas, low risk na sa COVID-19 transmission

OCTA: COVID-19 growth rate ng NCR, bumaba sa 5%

August 10, 2022
‘May wife pa rin naman!’ Mga netizen, kampante pa rin sa pagtanggal ni Heart sa surname ni Chiz sa IG

‘May wife pa rin naman!’ Mga netizen, kampante pa rin sa pagtanggal ni Heart sa surname ni Chiz sa IG

August 10, 2022
Darryl Yap, hinamon si Atty. Vince Tañada; ilabas tunay na kinita ng ‘Katips’

Darryl Yap, hinamon si Atty. Vince Tañada; ilabas tunay na kinita ng ‘Katips’

August 10, 2022
Arnell Ignacio, itinalaga bilang hepe ng OWWA

Arnell Ignacio, itinalaga bilang hepe ng OWWA

August 10, 2022
Badjao Girl Rita Gaviola, may pakiusap sa bashers; siya na lang laitin ‘wag ang anak niya

Badjao Girl Rita Gaviola, may pakiusap sa bashers; siya na lang laitin ‘wag ang anak niya

August 10, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.