• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

POPULASYON NG KABATAANG PILIPINO NAGSUSULONG NG PAGLAGO NG EKONOMIYA

Balita Online by Balita Online
July 7, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ang malaking bilang ng kabataang Pilipino ay isang mahalagang sangkap para sa pangmatagalang paglago ng ekonomiya, ayon sa ulat ng “Population Aging Will Dampen Economic Growth over the Next Two Decades” ng global credit watcher Moody’s Investors Service. Kabilang ang Pilipinas sa 23 bansa na inuri ng Moody’s sa ilalim ng “not-aging category” mula sa 2015 hanggang 2030, na nangangahulugan na ang bahagi ng nakatatandang populasyon sa kabuuang bilang ng mamamayan ay nasa ilalim ng 7%.

Ang nakatatandang Pilipino ay tinatayang nasa 4.1% ng populasyon sa susunod na taon, na higit na mas mababa sa kaysa ibang bansa, ngunit lalago ng 4.9% pagsapit ng 2020, at sa 5.6% sa 2025, at 6.3% ng populasyon pagsapit ng 2030. Kumpara sa mga bansa sa Southeast Asia tulad ng Thailand, Malaysia, Indonesia and Singapore, optimum ang status ng Pilipinas sa larangan ng demograpika, ayon sa Moody’s. Magsisimulang tumanda ang Thailand mula 2015 hanggang 2020 at magkakaroon ng populasyon ng “matatanda” pagsapit ng 2025. Tatanda na rin ang mga populasyon ng Malaysia at Indonesia sa 2015 hanggang 2020, at hindi maituturing na “hindi tumatanda” sa susunod na anim na taon. Maaaring mabilis ang pagbaba bilang ng ng manggagawa sa Singapore at magsisimulang tumanda pagsapit ng 2015 hanggang 2020, at magkakaron ng populasyon ng “matatanda” pagsapit ng 2015 at “super-aged” pagsapit ng 2030. Inaasahan ang mabagal na paglago sa mga bansang na daranas ng malaking pagbaba ng bilang ng mga manggagawa, ayon sa ulat.

Ayon sa kahulugan ng United Nations, inuuri ang isang bansa bilang isang “aging” society kung ang matatandang mamamayan nito – edad 65 pataas – ay bumubuo ng 7% ng populasyon nito; “aged” kung ang matatanda ay bumubuo ng higit pa sa 14% ng populasyon; at “super-aged” kung ang matatanda ay bumubuo ng mahigit sa 20%.

Ang ilang mauunlad at umuusbong na ekonomiya ay nahihirapan dahil sa tumatandang populasyon, ayon sa ulat. Sa 112 bansang na-survey ng Moody’s, 68 ang iuuri bilang “aging” sa susunod na taon, 34 ang magiging “aged”, at lima ang “super-aged” na lipunan. Ang Germany, Italy, at Japan ay nasa kategorya ng super-aged societies, samantalang ang Finland at Greece ay maaaring pumasok sa kategoryang iyon pagsapit ng 2015.

Walong bansa pa – Bulgaria, Croatia, France, Malta, the Netherlands, Portugal, Slovenia, at Sweden – ang papasok sa super-aged group pagsapit ng 2020. Ang aging rate ng mga bansang ito aymas mabilis kaysa ilang mauunlad na ekonomiya, ayon sa Moody’s. Pagsapit ng 2050, magkakaroon ng dalawang working adult sa bawat matanda na mahigit 65 anyos sa mauunlad na bansa at apat na working adult sa bawat matanda na mahigit 65 anyos sa umuunlad na bansa.

Tags: 2015bilangindonesiaMalaysiapopulasyonsingaporeThailandulat
Previous Post

LPU, tuloy ang pamamayagpag

Next Post

2 Bus nagbanggaan sa Sinai: 33 patay

Next Post

2 Bus nagbanggaan sa Sinai: 33 patay

Broom Broom Balita

  • Mga guro, bibigyan ng mas mataas na honoraria — Comelec
  • 4 sugar smugglers, kinasuhan ng Bureau of Customs
  • El Niño, maaaring magsimula sa third quarter ng taon – PAGASA
  • DepEd, magha-hire ng 9,650 bagong guro ngayong taon
  • 4 tripulante, nailigtas sa lumubog na bangkang nabangga ng dolphin sa Cagayan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.