• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Foreign audit firm, susuriin ang MRT 3 system

Balita Online by Balita Online
July 7, 2015
in Balita Archive
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ni KRIS BAYOS

Darating sa bansa sa Lunes ang operator ng MTR Hong Kong upang magsagawa ng pagsusuri sa kalagayan ng mga pasilidad at tren ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 bunsod ng aksidente noong Agosto 13, na 36 na pasahero ang nasugatan.

Sinabi ni Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya na kinuha ng MRT Corporation, ang may-ari ng MRT 3 system, ang serbisyo ng MTR Hong Kong upang magsagawa ng audit sa rail system.

Sinabi ng isang miyembro ng gabinete na ang pagkuha ng isang third-party auditor para sa MRT 3 ay inisyatibo ng MRT Corp.

“They (MRTC) want an audit of the status of MRT 3 that will cover the physical structure, rolling stock and the performance of the existing maintenance provider,” pahayag ni Abaya.

Ipinaliwanag ni Abaya na gagamitin ng gobyerno ang resulta ng audit ng MTR Hong Kong upang matukoy ang mga problema sa madalas na aberya ng mga tren ng MRT 3.

“MTR Hong Kong will help us analyze the problem of MRT 3. Is it because of poor maintenance, the age of the trains or the need for rehabilitation? Once we figure out what the problems are, then we’ll figure out the solution,” dagdag niya.

Kasabay nito, sinabi ni Abaya na ang Chinese supplier ng 48 bagong light rail vehicle (LRV) para sa MRT 3 system ay darating din sa bansa upang makipagpulong sa mga opisyal ng DoTC.

“They will be here to present the initial designs of the LRVs and to brief us on the manufacturing side,” ayon kay Abaya, tinukoy ang Dalian Locomotive and Rolling Stock Company na nakakuha sa P3.8-bilyon kontrata para sa mga bagong LRV.

Tags: abayaaksidentebenigno aquino iiiDepartment of Transportation and Communications (Philippines)hong kongJoseph Emilio AbayaManila Metro Rail Transit SystemMetro Rail TransitmrtMRT-3ng mgatren
Previous Post

Light Bombers, bigo sa Squires

Next Post

DoubleDragon Boat Race ngayon

Next Post

DoubleDragon Boat Race ngayon

Broom Broom Balita

  • ‘Pouty lips yarn?’ Litrato ni Macoy Dubs sa driver’s license, kinaaliwan
  • Graduating student sa Cavite, pinagsasaksak sa kaniyang dormitoryo, patay!
  • OG heartthrobs ng Star Magic, nag-reunion; netizens, may napansin kay John Lloyd
  • Halos 500, nahuli sa exclusive motorcycle lane sa QC nitong Marso 29
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.